ano ba ito, bakit ganito
nitong huling araw
akoy nalilito
pagtulog sa gabi, pinahihirapan ako
sa paghiga sa kama
mahimbing na pagtulog akoy umaasa
subalit di masupil utak ko sa paggana
nakababahala, sanay di ito insomia
Nakaw na idlip ayaw ko ng gawin
Kapag nahihimbing tsaka gugulatin
Utak namay magigising na rin
Itoy sapat na upang akoy puyatin
Kutkot na mahika, wala yatang epekto
Mula pa noong bata ay gawi ko na ito
Kinamulatang ritwal halos sauluhin ko
Ala una, Alas dos, gising pa rin ako
Pabiling biling, parang praning
Di malaman kung anong gustong gawin
Akin isipan piliting pakalmahin
Dasal na pahinga, sana namay dinggin
German Moreno, alisin sumpa mo
Masakit sa ulo yang iyong pauso
Walang tulugan panawagan mo
Di ko na kaya, lipas na ako
Anong inyong masasabi sa aking dinaranas
Pagod na kataway parang hindi lunas
Takbo ng isipay tila walang kupas
Ayokong maging gising hanggang bukas
Francis Dionisio
12:49AM May 5, 2008
I-mate Jam, pocket PC
Al Khobar tower
Ang Hilong Talilong ay madalas kong marinig sa mga matatanra sa aming bayan pag may isang tao na sa sobrang kagustuhang magawa ang mga dapat gawin eh nagmamadali at di malaman ang kung alin ang uunahin.napili ko itong pamagat ng aking blog dahil palagay ko ay akoy isang hilong talilong
Monday, 5 May 2008
Saturday, 3 May 2008
MUSIKO
para po ito sa mga musikero ng cardona, maski banda uno, singko o otso....parang gusto ko ring isabit ang morriz..:-)
=============================
Ibat ibang tunog ginagawa ninyo
Pag nagsabay sabay nagiging musika ito
May patatlak, my simbal, meron rin bumbo
Kaya tumabi tabi ka, at kalapit mo ay baho
Samahan sa musiko ay napakagwapo
Basta me numbra pupunta ako
Kahit na mapagod ang baga ko
Basta wag kalimutan pagkain ko
Ang sarap maglakad basta me pasiyo
Lakad, martsa, ang daming tao
Nanonood, natutuwa, lalo pag kamiy unipormado
Bigyan pa namin kayo ng mga ekslusibo
majorette naman, laging bida saan man
musika namin ay nakakalimutan
pero okey lang naman,
basta kayoy masiyahan
Silay mga kagandahan, majorette sa daan
Binatay abang lalot me exhibition na labanan
Sabayan pa ng tugtog ang indak ng balakang
Sa lambot ng katawan, tuloy ang hatawan
Banda ng musiko talagang kakaiba
Sipag at Tiyaga kailangan talaga
Pag mahusay na at sinuwerte pa
Bigtime na orchestra kukunin tana
office. my cubicle
May 3, 8:18PM
Al Khobar Saudi Arabia
=============================
Ibat ibang tunog ginagawa ninyo
Pag nagsabay sabay nagiging musika ito
May patatlak, my simbal, meron rin bumbo
Kaya tumabi tabi ka, at kalapit mo ay baho
Samahan sa musiko ay napakagwapo
Basta me numbra pupunta ako
Kahit na mapagod ang baga ko
Basta wag kalimutan pagkain ko
Ang sarap maglakad basta me pasiyo
Lakad, martsa, ang daming tao
Nanonood, natutuwa, lalo pag kamiy unipormado
Bigyan pa namin kayo ng mga ekslusibo
majorette naman, laging bida saan man
musika namin ay nakakalimutan
pero okey lang naman,
basta kayoy masiyahan
Silay mga kagandahan, majorette sa daan
Binatay abang lalot me exhibition na labanan
Sabayan pa ng tugtog ang indak ng balakang
Sa lambot ng katawan, tuloy ang hatawan
Banda ng musiko talagang kakaiba
Sipag at Tiyaga kailangan talaga
Pag mahusay na at sinuwerte pa
Bigtime na orchestra kukunin tana
office. my cubicle
May 3, 8:18PM
Al Khobar Saudi Arabia
Friday, 2 May 2008
Sipit
Itong simpleng sipit,
di man kaakit akit
Siyang lagi kong kaukyabit
Kapag akoy Homesick
Alam nyo namang haplit
Dito sa aming sinapit
Kanya kanyang ligpit
Ng aming maduduming damit
Huwebes at byernes na dikit
Yan ang araw na aming gamit
Labaday tapusing pilit
Upang magamit aring sipit
Wag hamakin yaring sipit
Dahil pag silay nawaglit
Ang tapos mo ng damit
Hahabulin mo sa langit.
duane sta. ana
room 702 al khobar tower
May 2, 2008 10:18PM
Al Khobar Saudi Arabia
di man kaakit akit
Siyang lagi kong kaukyabit
Kapag akoy Homesick
Alam nyo namang haplit
Dito sa aming sinapit
Kanya kanyang ligpit
Ng aming maduduming damit
Huwebes at byernes na dikit
Yan ang araw na aming gamit
Labaday tapusing pilit
Upang magamit aring sipit
Wag hamakin yaring sipit
Dahil pag silay nawaglit
Ang tapos mo ng damit
Hahabulin mo sa langit.
duane sta. ana
room 702 al khobar tower
May 2, 2008 10:18PM
Al Khobar Saudi Arabia
SANGGUNIANG KABATAAN/KATANRAAN
Rant, angst, take on sangguniang kabataan
(sanitized version)
kabataan ng bayan, ikaw ay kailangan
paghubog sa bukas, inyong tamurawan
wag intindihin, udyok ng magugulang
sarili ang isipin at ang pamayanan
lubhang nakalulungkot
mukhang naging buktot
diskarte ng kabataan ay pinakikialaman
matatandang gahaman sa kapangyarihan
Sangguniang kabataan gabay ang kailangan
hindi ang pakialaman ng sangkatandaan
subalit nangyari na at naimpluwensyahan pa
utak ng kabataan mukhang nalason na
kabataang matuwid ang paninindigan
masasamang gawi ng matanday wag pakinggan
sariling diskarte ay wag isa isang tabi
bagong kaisipan, yan ang iyong kakampi
sangguniang kabataan, para raw sa kabataan
ngunit anong nagawa nito para sa kasamahan
mga proyektong natapos, sinong nakikinabang
sa aking palagay, lahat itoy bamban.
sariling karanasan aking pinagmasdan
iaatang na responsibilidad di gaanong pinagaralan
bilang baguhan sa papasuking larangan
tinangay ng agos na parang laruan
unang bugso pa lamang
akin ng nalaman
SK pala ay hindi kabataan
ito pala'y karugtong lang ng katandaan
room 702 al khobar tower
may 2 2008 8:22AM
Al Khobar Saudi Arabia
(sanitized version)
kabataan ng bayan, ikaw ay kailangan
paghubog sa bukas, inyong tamurawan
wag intindihin, udyok ng magugulang
sarili ang isipin at ang pamayanan
lubhang nakalulungkot
mukhang naging buktot
diskarte ng kabataan ay pinakikialaman
matatandang gahaman sa kapangyarihan
Sangguniang kabataan gabay ang kailangan
hindi ang pakialaman ng sangkatandaan
subalit nangyari na at naimpluwensyahan pa
utak ng kabataan mukhang nalason na
kabataang matuwid ang paninindigan
masasamang gawi ng matanday wag pakinggan
sariling diskarte ay wag isa isang tabi
bagong kaisipan, yan ang iyong kakampi
sangguniang kabataan, para raw sa kabataan
ngunit anong nagawa nito para sa kasamahan
mga proyektong natapos, sinong nakikinabang
sa aking palagay, lahat itoy bamban.
sariling karanasan aking pinagmasdan
iaatang na responsibilidad di gaanong pinagaralan
bilang baguhan sa papasuking larangan
tinangay ng agos na parang laruan
unang bugso pa lamang
akin ng nalaman
SK pala ay hindi kabataan
ito pala'y karugtong lang ng katandaan
room 702 al khobar tower
may 2 2008 8:22AM
Al Khobar Saudi Arabia
Thursday, 1 May 2008
Alay sa mga manggagawa sa araw ng paggawa
Mano manong paggawa, uso noong araw
Ngunit ngayoy makina na ang gumagalaw
Karamihang manggagawa, nawalan ng gawa
Dahil sa makinang ngawa ng ngawa
Sa bidang makina ng industriyalisasyon kaakibat
Hindi tatakbo kung walang isip na batbat
Kapitalistay natuwa sa dami ng gawa
Ngunit husay ng manggagawa ay binabalewala,
Ika isa ng Mayo, importante po ito
Araw ng paggawa, inaalala rito
Noon ay di ako interesado
Maliban sa isipin na itoy anibersyaryo
Inililiban muna Pasok sa Eskwela, upisina at pabrika
Upang manggagawa ay bigyan ng pahinga
Makapiling ang pamilya, Bumisita sa asawa
Buong pamilyay magkasama sama
Pagal na katawan, pagod na isipan
Di pa rin sapat upang silay pigilan
Ipaglaban ang karapatan
sa parehas na labanan
Kauri kong manggagawa Saludo ako sa yo!
Ika isa nga mayo, araw natin ito
Kabuhayan ng pamilya isinasaalang alang mo
Upang ipaglaban ang karapatan mo!
Francis Dionisio
Room 702 al khobar tower
May 1, 2008 11:30PM
Al Khobar Saudi Arabia
Ngunit ngayoy makina na ang gumagalaw
Karamihang manggagawa, nawalan ng gawa
Dahil sa makinang ngawa ng ngawa
Sa bidang makina ng industriyalisasyon kaakibat
Hindi tatakbo kung walang isip na batbat
Kapitalistay natuwa sa dami ng gawa
Ngunit husay ng manggagawa ay binabalewala,
Ika isa ng Mayo, importante po ito
Araw ng paggawa, inaalala rito
Noon ay di ako interesado
Maliban sa isipin na itoy anibersyaryo
Inililiban muna Pasok sa Eskwela, upisina at pabrika
Upang manggagawa ay bigyan ng pahinga
Makapiling ang pamilya, Bumisita sa asawa
Buong pamilyay magkasama sama
Pagal na katawan, pagod na isipan
Di pa rin sapat upang silay pigilan
Ipaglaban ang karapatan
sa parehas na labanan
Kauri kong manggagawa Saludo ako sa yo!
Ika isa nga mayo, araw natin ito
Kabuhayan ng pamilya isinasaalang alang mo
Upang ipaglaban ang karapatan mo!
Francis Dionisio
Room 702 al khobar tower
May 1, 2008 11:30PM
Al Khobar Saudi Arabia
Subscribe to:
Posts (Atom)