Litrato ng helmet at isang pag-ong
Aking nakita noong unang panahon
Imaheng nakapinta aking inalala
Bata kong isip ay naglalaro na
Nakatatawang isipin
Banraming pwedeng gawin
Gusto ko siyang interpretin
Larawang mensahe ay bitin
Ang helmet wari koy aksidenteng naiwan
Nang isang sundalo sa isang digmaan
Baka sundaloy muntik ng tamaan
Kaya takbo niyay nagkawindang windang
Pagkakataon nga naman
Dahil si pagong ay dumaan
Helmet tiningnan dagliang pinagmasdan
pwede na to! wika nyang may laman
Itong si pagong talaga
Akoy aliw sa kanya
Pawis na pawis pero nakangiti siya
Wasak sa tawa abot hanggang tenga
War is over una kong naisip
pag aaway na lagi sating pinipilit
sa sundalo at pagong aking nasilip
sa buhay ng tao itoy hindi sulit
make love not war ang tema nito
Tapos na ang gera magmahalan tayo
Kaya si pagong itong Helmet ng sundalo
Hinapangan niyang kinakabayo.
Hanggang ngayoy akoy natatawa
Sa konklusyon ng aking sapantaha
Di ko akalaing malalim na pala
Kaisipan ng tao kahit bata pa
Francis Dionisio
AK KSA
2282010
Ang Hilong Talilong ay madalas kong marinig sa mga matatanra sa aming bayan pag may isang tao na sa sobrang kagustuhang magawa ang mga dapat gawin eh nagmamadali at di malaman ang kung alin ang uunahin.napili ko itong pamagat ng aking blog dahil palagay ko ay akoy isang hilong talilong
Sunday, 28 February 2010
Monday, 22 February 2010
DAHIL SA 'YO
Intro:
Likha kong mundo
Nagbago dahil sa yo
Maraming gawi ko
Nabago dahil sa yo
Verse 1
Sanay nakinig na ako
Sa bulong ng hangin at kanilang mga payo
Nag ingat sana di nagtiwalang gaano
Dahil ikaw nga pala ay salbaheng totoo
Verse 2
Natuto na akong manabla ng tao
Takot na akong magtiwala ng todo
Baka abusuhin lang ang kabaitan ko
Kahit di naman ako kandidatong santo
Refrain:
Mga pananaw ko nabago dahil sa yo
Negatibo, positibo Tinimbang ng isip ko
Alam ko mabait ako, pero iyoy nabago
Iya'y Dahil Sa Yo! Sa kalokohan mo!
Chorus:
O Diyos Ko! Tulungan mo ako
Kailangan ko ngayon ang gabay mo
Dapat bang manalig ng husto
Para magtagumpay sa laban na to
Verse 3
Dahil sa Yo, ako rin namay natuto
Mga ibang salita, iba pang talino
pero di pa rin sapat ito
kapalit ng mga pinaggagawa mo
Verse 4
Pilit kong ibinabalik ang dating ako
Hindi ang makasariling gaya nito
kelangang bumalik normalidad ng buhay ko
sa tulong ng mga letrang nililikha ko
Outro:
Dahil Sa Yo
Namulat ako
Dahil Sa Yo
Nakilala ko ibang ugali ng Tao
dsa
AK SA
02212010
Likha kong mundo
Nagbago dahil sa yo
Maraming gawi ko
Nabago dahil sa yo
Verse 1
Sanay nakinig na ako
Sa bulong ng hangin at kanilang mga payo
Nag ingat sana di nagtiwalang gaano
Dahil ikaw nga pala ay salbaheng totoo
Verse 2
Natuto na akong manabla ng tao
Takot na akong magtiwala ng todo
Baka abusuhin lang ang kabaitan ko
Kahit di naman ako kandidatong santo
Refrain:
Mga pananaw ko nabago dahil sa yo
Negatibo, positibo Tinimbang ng isip ko
Alam ko mabait ako, pero iyoy nabago
Iya'y Dahil Sa Yo! Sa kalokohan mo!
Chorus:
O Diyos Ko! Tulungan mo ako
Kailangan ko ngayon ang gabay mo
Dapat bang manalig ng husto
Para magtagumpay sa laban na to
Verse 3
Dahil sa Yo, ako rin namay natuto
Mga ibang salita, iba pang talino
pero di pa rin sapat ito
kapalit ng mga pinaggagawa mo
Verse 4
Pilit kong ibinabalik ang dating ako
Hindi ang makasariling gaya nito
kelangang bumalik normalidad ng buhay ko
sa tulong ng mga letrang nililikha ko
Outro:
Dahil Sa Yo
Namulat ako
Dahil Sa Yo
Nakilala ko ibang ugali ng Tao
dsa
AK SA
02212010
Wednesday, 17 February 2010
HAHAHA, HUHUHU, KABALIWAN
this is about a post in facebook wherein pictures of candidates for mayor&vice mayor in our municipality were posted. and my kababayan with all their guns (read mouth) blazing, feasted on giving their points, lambasting, giving out of line arguments and personal attacks on the candidates and even supporters-they are fighting each other.. i think it is rather pathetic.
=====================
ano bang kasalanan ng aking bayan
at mga anak niya ganto kinalabasan
subrang higpit ang panindigan
nawawala na pati ang respetuhan
prinsipyo't paniniwala ipaglaban nyo
pero wag kayong tumira ng wala s tiyempo
magbababag laang lalaki ang gulo
iisang mukha tayo, isaksak nyo sa isip nyo
ang ginagawa nyo nakaka turn off na masyado
litrato pa laang sumasambulat na kayo
subukan nyo kayang sabihin ng diresto
roon sa tinutusta ninyong mga kandidato
utak ng bata'at matanra pareho lang
para silang nauubusan ng paggalang
ugali nga natin ang maniste
pero sana naman maging responsable
kayo namang mga supporters kasi
masyadong maraming sinasabi
kayo kayo nag babangay
mga liders nyo namay nagkakamay
sabagay maige pa kayo sa manok
magsalubong laay sige ng panalpok
kayo namay pag may eleksyon lang patok
ang kakitiran ng utak dahil sa saltok
hindi naman inaalis na kayoy kumampi
sana laang makinig rin sa kabilang tabi
hindi naman kasi tayo bingi
maliban na laang kung may antutuli
gara ng buhay, sa pulitika kitay nag aaway
buksan nyo lang ang inyong bahay
lahat ng kandidatoy papasuking tunay
tiper pa kayo sa uusaping laway
pero kakaiba talaga ugali ng tiga cardona
di ko masasabing itoy napakaganda
sabihin na lang natin na itoy kakaiba
bahala na laang kung saan ito papunta
lagyan ko nga ng konting angas
inyong halukayin ang mga alingasngas
kahit noon, ngayon at bukas
at kung sinong makitaan ng butas
marapat laang na managot sa batas
=====================
ano bang kasalanan ng aking bayan
at mga anak niya ganto kinalabasan
subrang higpit ang panindigan
nawawala na pati ang respetuhan
prinsipyo't paniniwala ipaglaban nyo
pero wag kayong tumira ng wala s tiyempo
magbababag laang lalaki ang gulo
iisang mukha tayo, isaksak nyo sa isip nyo
ang ginagawa nyo nakaka turn off na masyado
litrato pa laang sumasambulat na kayo
subukan nyo kayang sabihin ng diresto
roon sa tinutusta ninyong mga kandidato
utak ng bata'at matanra pareho lang
para silang nauubusan ng paggalang
ugali nga natin ang maniste
pero sana naman maging responsable
kayo namang mga supporters kasi
masyadong maraming sinasabi
kayo kayo nag babangay
mga liders nyo namay nagkakamay
sabagay maige pa kayo sa manok
magsalubong laay sige ng panalpok
kayo namay pag may eleksyon lang patok
ang kakitiran ng utak dahil sa saltok
hindi naman inaalis na kayoy kumampi
sana laang makinig rin sa kabilang tabi
hindi naman kasi tayo bingi
maliban na laang kung may antutuli
gara ng buhay, sa pulitika kitay nag aaway
buksan nyo lang ang inyong bahay
lahat ng kandidatoy papasuking tunay
tiper pa kayo sa uusaping laway
pero kakaiba talaga ugali ng tiga cardona
di ko masasabing itoy napakaganda
sabihin na lang natin na itoy kakaiba
bahala na laang kung saan ito papunta
lagyan ko nga ng konting angas
inyong halukayin ang mga alingasngas
kahit noon, ngayon at bukas
at kung sinong makitaan ng butas
marapat laang na managot sa batas
Monday, 15 February 2010
Love Story Take 2-Pagpapatuloy ng Naunsyaming Kahapon
Valentines day and Cardona Town Fiesta, two memorable days for a take two love and romance.
Araw ng mga puso kamiy aksidenteng nagkita
Matapos ang ilang taong parang di magkakilala
Siyay lagi sa maynila sa pag aaral niyay abala
Ako namay sarap buhay, gala, inom, at barkada
Hindi inaasahan nagkasalubong sa perya
Nagkakahiyaan pa, pero kamiy nagbatian na
Aking sinubok aking mahikang dala
Kaya Inihater ko na hanggang bahay nila
Fiesta ng cardona akoy may lakad pala
Simbahan sa bayan, dali daling nagpunta
Owner ni papa siya kong dala dala
Mag aanak sa binyag sa batang si lyka
Pag pasok sa simbahan akoy gitlang gitla
Pagkat akoy huli na sa ginagawang seremonya
Di ko na tiningnan mga katuwang kong nakalinya
Naron pala siya, simple ang porma, pero maganda
Panay ang sulyap ko sa kinalalagyan niya
Laging nakatitig sa mukha niyang kay ganda
Alam nya namang tinitingnan ko siya
Dahil kita ko rin ang galaw ng mga mata
Pagkakataon nga naman, naisip ko bigla
Parang kamiy pinag adya ng tadhana
Niyaya ko siyang bumili ng regalo para kamiy sama na
kaya't pilit pinasakay sa owner na nakaparada
Habang sa kalsaday jinajamming ko na
Pagkatorpe koy di na inalala
Sanay na kasi kami sa isat isa
Kumbakit nga laang naghiwalay pa
Punta ng morong, nag shopping, nag tingin
Pagkakataong ito dapat ng sulitin
Minsan lang mangyari, muli siyang makapiling
Mahabang panahon na sinayang namin
Tuloy sa reception, kumain, tumulong
Pilit hinihintay ang tamang pagkakataon
Kailangang ko ng masabi at dapat matanong
Kung okey lang ituloy naunsyaming kahapon
dsa
ak ksa
02152010
Araw ng mga puso kamiy aksidenteng nagkita
Matapos ang ilang taong parang di magkakilala
Siyay lagi sa maynila sa pag aaral niyay abala
Ako namay sarap buhay, gala, inom, at barkada
Hindi inaasahan nagkasalubong sa perya
Nagkakahiyaan pa, pero kamiy nagbatian na
Aking sinubok aking mahikang dala
Kaya Inihater ko na hanggang bahay nila
Fiesta ng cardona akoy may lakad pala
Simbahan sa bayan, dali daling nagpunta
Owner ni papa siya kong dala dala
Mag aanak sa binyag sa batang si lyka
Pag pasok sa simbahan akoy gitlang gitla
Pagkat akoy huli na sa ginagawang seremonya
Di ko na tiningnan mga katuwang kong nakalinya
Naron pala siya, simple ang porma, pero maganda
Panay ang sulyap ko sa kinalalagyan niya
Laging nakatitig sa mukha niyang kay ganda
Alam nya namang tinitingnan ko siya
Dahil kita ko rin ang galaw ng mga mata
Pagkakataon nga naman, naisip ko bigla
Parang kamiy pinag adya ng tadhana
Niyaya ko siyang bumili ng regalo para kamiy sama na
kaya't pilit pinasakay sa owner na nakaparada
Habang sa kalsaday jinajamming ko na
Pagkatorpe koy di na inalala
Sanay na kasi kami sa isat isa
Kumbakit nga laang naghiwalay pa
Punta ng morong, nag shopping, nag tingin
Pagkakataong ito dapat ng sulitin
Minsan lang mangyari, muli siyang makapiling
Mahabang panahon na sinayang namin
Tuloy sa reception, kumain, tumulong
Pilit hinihintay ang tamang pagkakataon
Kailangang ko ng masabi at dapat matanong
Kung okey lang ituloy naunsyaming kahapon
dsa
ak ksa
02152010
Subscribe to:
Posts (Atom)