Pirming tahimik, parang laging inip
Sinusukat mo ba ang kanilang mga isip
O talaga lang walang kang masabi
Kaya minabuti mo na lang kumali sa sang tabi
Ano ba talaga ang ipinagmamalaki
Medalya sa klase, maraming babae?
O tikas sa palakasan
Pati na sa inuman
Andaming sinubukan ibat ibang larangan
Kapag natutunan na biglang tinitigilan
Hanap uli ng ibang pagkakalibangan
Wala ka pa ring ipagmamayabang
Sa oras na bumigkas ng mga talata
Siguradong sigurado sa bawat kataga
Di man sadya laging merong nababada
Tinatamaan ng talim ng kanyang angking dila
Ang yabang mo naman
Di ka naman kagwapuhan
Tingin mo bay ikiy napakabuti
Hulog ng langit para sa mga babae
Bakit ka nga ba ganyan
Suplado at yabang kung tingnan
Anong meron sa iyong kalooban
At di mo ilabas ang katotohanan
Kahit ka suplado pare ko
Aliw naman sila sa mga gimik mo
Karisma ng pilyo pati na ang misteryo
Napakadali kung pagsama samahin mo
Pero di maitatatanggi
Ikaw ngay katangi tangi
Taob ang suplado mong imahe
Pagkat kita nila ang yong sarili
francis dionisio
march 28, 2010
ak ksa
Ang Hilong Talilong ay madalas kong marinig sa mga matatanra sa aming bayan pag may isang tao na sa sobrang kagustuhang magawa ang mga dapat gawin eh nagmamadali at di malaman ang kung alin ang uunahin.napili ko itong pamagat ng aking blog dahil palagay ko ay akoy isang hilong talilong
Sunday, 28 March 2010
Wednesday, 17 March 2010
MODERNONG PANITIKAN
wag nating kalimutan itong panitikan
aking payo sa ating kabataan
itoy ating bigyan ng panibagong higaan
ating painamin ang mga bagsakan
pwede na rin siguro maski usap kanto
basta sabihin mo pero sanay may tono
dapat rin naman balanse at ritmo
panitikan gagawin nating moderno
di na kailangan salita ay laliman
baka di ma dig lalong nalintikan,
manapay hindi magkaintindihan
kawawa naman itong panitikan
sa kabilang banda, pwede namang magsama
mula mababaw hanggang malalim na bara
basta ibang timpla, maiba lang ang lasa
happy tayong lahat, pati si florante at laura
sige na sulat na,
kahit pa nga tungayaw ilabas mo na
basta laang responsable ka
sa nilalaman at lalamnin ng yong mga letra
gusto ko sana marinig ang inyong diwa
di naman kailangangan magkatugma tugma
sa tula kasi may freeverse na sinasabi
ilabas ang isip wag ikulong sa isang tabi
kararaming topic at idea
pwede ang taglish, pakialam nila
tinitimplahan nga, experimento baga
para tayo ang alternatibong kakaiba
ibat ibang mukha itong ating panitikan
kahit ano pwedeng gawing tuntungan
pwede ang kwento basta me metro
isa pang porma ang awit at korido
basta laang wag nating kalimutan
ang mga nauna na sa panitikan
bigyan ang respeto ang mga batikan
wag pariringgan at iiwang luhaan
itong isip ko, ayaw talagang tantanan
kailangan raw iparating upang malaman
saligawsaw ng isip at nararamdaman
kaya inyo na lang pag pasensyahan
dweighn
ak ksa
03172010
aking payo sa ating kabataan
itoy ating bigyan ng panibagong higaan
ating painamin ang mga bagsakan
pwede na rin siguro maski usap kanto
basta sabihin mo pero sanay may tono
dapat rin naman balanse at ritmo
panitikan gagawin nating moderno
di na kailangan salita ay laliman
baka di ma dig lalong nalintikan,
manapay hindi magkaintindihan
kawawa naman itong panitikan
sa kabilang banda, pwede namang magsama
mula mababaw hanggang malalim na bara
basta ibang timpla, maiba lang ang lasa
happy tayong lahat, pati si florante at laura
sige na sulat na,
kahit pa nga tungayaw ilabas mo na
basta laang responsable ka
sa nilalaman at lalamnin ng yong mga letra
gusto ko sana marinig ang inyong diwa
di naman kailangangan magkatugma tugma
sa tula kasi may freeverse na sinasabi
ilabas ang isip wag ikulong sa isang tabi
kararaming topic at idea
pwede ang taglish, pakialam nila
tinitimplahan nga, experimento baga
para tayo ang alternatibong kakaiba
ibat ibang mukha itong ating panitikan
kahit ano pwedeng gawing tuntungan
pwede ang kwento basta me metro
isa pang porma ang awit at korido
basta laang wag nating kalimutan
ang mga nauna na sa panitikan
bigyan ang respeto ang mga batikan
wag pariringgan at iiwang luhaan
itong isip ko, ayaw talagang tantanan
kailangan raw iparating upang malaman
saligawsaw ng isip at nararamdaman
kaya inyo na lang pag pasensyahan
dweighn
ak ksa
03172010
Subscribe to:
Posts (Atom)