This is about a post in facebook calling for our townfolks to choose wisely and be observant to whom they are going to vote in May 2010 Local Gov't. election
isang malayang pagsulat mula sa kaibigan
aking nabasa at natamurawan
suriing mabuti kanyang panawagan
pagpili sa lider ng pamahalaan
di naman akoy may sa demonyo
di rin naman matatawag na santo
pero kahit sinong iluklok sa wari ko
kakainin ng bulok na sistema ng gobyerno
sanay mali ang paniniwala ko
wala sa lider ang pangakong paraiso
itoy nasa tao, kung sila ay totoo
mula sa baba, sama sama tayo
di na kailangan pang itoy nakapwesto
pero huo na nga, kailangan rin ng gabay
kahit sa biblia itoy nakasulat na mahusay
magaling na hari ang siyang patnubay
sa isang kahariang punong puno ng kulay/buhay
sige sama na ako sa panawagan mo
pero tahimik lang, sarado bibig ko
ipakita ko na lang magagandang ehemplo
kung paano tumulong umunlar ang bayan ko.
dweighn
april 15, 2010
room YXY khobar tower
Ang Hilong Talilong ay madalas kong marinig sa mga matatanra sa aming bayan pag may isang tao na sa sobrang kagustuhang magawa ang mga dapat gawin eh nagmamadali at di malaman ang kung alin ang uunahin.napili ko itong pamagat ng aking blog dahil palagay ko ay akoy isang hilong talilong
Saturday, 15 May 2010
Tuesday, 11 May 2010
BABAE
Pang Womans Day-2010
better late than never.. but fact remains it is still late... hindi na March 8 kahit saang panig ng mundo.. maski DST, GMT, o kung ano mang timing scheme ekvalu ever na inimbento ng matatalinong tao..
====================
Sa bawat tagumpay ng aming buhay
Sila ang tunay naming patnubay
Sa aming likod silay nakabantay
Sa dilim ng buhay handa silang dumamay
Anumang hirap na aming dinaranas
Sila ang laging may angking lunas
Kahit ano pang sikip nitong landas
Kaya-kaya nilang hanapan ng butas
Sila rin namay may sariling persona
Na dapat mahalin sa tuwi tuwina
Kakaibang lakas at angking ganda
Talino ng isip isasama ko na
Babae! anak, nanay, at lola
Kasama na rito ating mga tita
Napaka importante ng ganap nila
Ginhawa at buhay magtuloy tuloy pa
DSS o DJA (para kasing may mali sa DSA na nakasanayan ko ng gamiting initials)
better late than never.. but fact remains it is still late... hindi na March 8 kahit saang panig ng mundo.. maski DST, GMT, o kung ano mang timing scheme ekvalu ever na inimbento ng matatalinong tao..
====================
Sa bawat tagumpay ng aming buhay
Sila ang tunay naming patnubay
Sa aming likod silay nakabantay
Sa dilim ng buhay handa silang dumamay
Anumang hirap na aming dinaranas
Sila ang laging may angking lunas
Kahit ano pang sikip nitong landas
Kaya-kaya nilang hanapan ng butas
Sila rin namay may sariling persona
Na dapat mahalin sa tuwi tuwina
Kakaibang lakas at angking ganda
Talino ng isip isasama ko na
Babae! anak, nanay, at lola
Kasama na rito ating mga tita
Napaka importante ng ganap nila
Ginhawa at buhay magtuloy tuloy pa
DSS o DJA (para kasing may mali sa DSA na nakasanayan ko ng gamiting initials)
Thursday, 6 May 2010
Walang Pilitan
Magla-Like ako sa gusto kong i-Like. Wag kang mamilit
Sa lahat ng ayaw ko ay yung dinitiktahan ng pangit
kung okey sana di na mag lilipat saglit
like button i-kiclick agad isang haplit
kakabanas kasi tong mga taong to
maganda sa yo, basura sa tingin ko
kaya wag mo ng ipilit yang gusto mo
dahil ibat iba tayo ng trip pare ko
Walang pilitan, walang gamitan
isip ay gamitin, lohika ay sundin
hindi ko kayang intindihin
yang pamimilit mong gawain
pwede kang tindero riyan sa gawi mo
lahat pinipilit para bumili ng produkto
kawawa ka at tunay na adelantado
pinapangunahan mo pa ang desisyon ko
kabadtrip naman talaga oo
baguhin mo nga yang style mo
kung ayaw mong mabura sa listahan ko
di mo na makikita ang profile at update ko.
Francis Dionisio
AKKSA 1045AM March 6, 2010
*wala itong kaugnayan sa mga friends ko rito sa FB, itoy sinulat ko laang dahil nainspire ako sa status ni dong abay kanina. sa kanya actually galing ang unang linya rito sa sinulat ko. pero in some ways ay ganito rin ang pananaw ko..
Sa lahat ng ayaw ko ay yung dinitiktahan ng pangit
kung okey sana di na mag lilipat saglit
like button i-kiclick agad isang haplit
kakabanas kasi tong mga taong to
maganda sa yo, basura sa tingin ko
kaya wag mo ng ipilit yang gusto mo
dahil ibat iba tayo ng trip pare ko
Walang pilitan, walang gamitan
isip ay gamitin, lohika ay sundin
hindi ko kayang intindihin
yang pamimilit mong gawain
pwede kang tindero riyan sa gawi mo
lahat pinipilit para bumili ng produkto
kawawa ka at tunay na adelantado
pinapangunahan mo pa ang desisyon ko
kabadtrip naman talaga oo
baguhin mo nga yang style mo
kung ayaw mong mabura sa listahan ko
di mo na makikita ang profile at update ko.
Francis Dionisio
AKKSA 1045AM March 6, 2010
*wala itong kaugnayan sa mga friends ko rito sa FB, itoy sinulat ko laang dahil nainspire ako sa status ni dong abay kanina. sa kanya actually galing ang unang linya rito sa sinulat ko. pero in some ways ay ganito rin ang pananaw ko..
Subscribe to:
Posts (Atom)