Pilipinas ko anong ginawa mo
Bakit umaalis mga anak mo
Tumatawid ng dagat para daw sa yo
Oo ngat totoo,pero sa simula lang to.
Ito ang totoo at nakikita ko
Napakalaki ang nagiging epekto
Sa pinaka maliit na sangay ng pundasyon mo
Mas maraming mali kaysa benepisyo
Alam mo ba paglabas namin
Nahuhubad ano mang amin
Para ibong kinalas ang salamin
Tila kinalimutan ang mga mithiin
Kami naman ay nagsasaya lang
Pilit inaalis ang tawag ng laman
Subalit kami ay tao lang
Naghahanap nagagahaman
Pero pag ibig sumisibol rin naman
Laging mag isa at nangungulila
Buhay namin pilit namin pinasasaya
Kahit anong libangan pilit naming kinakaya
Maski sinto ang mga paa sa aming mga kanta
Si juan ay may kababalahan
Si maria claray ganyun rin naman
Di ko alam kung pusoy tinibukan
Pati banyagay pinapatulan.
Ako namay walang hadlang
Kung silay nag iibigan
Pero ikaw ina ko at mga namumuno sa yo
Ang ituturo ko sa ginagawa nilang ito
Huhugasan ko kamay ko
Di rin naman kalinisan ito
Akoy walang motibo
Para sanggahin intensyon nito
Ah letse naiinis lang ako
Di ko maisip solusyon rito
Bakit kailangang magkaganito
Buhay o ep dabal yow.
francis dionisio
sept 14 2011 bah..
Ang Hilong Talilong ay madalas kong marinig sa mga matatanra sa aming bayan pag may isang tao na sa sobrang kagustuhang magawa ang mga dapat gawin eh nagmamadali at di malaman ang kung alin ang uunahin.napili ko itong pamagat ng aking blog dahil palagay ko ay akoy isang hilong talilong
Saturday, 24 September 2011
Thursday, 4 August 2011
KARAGATAN
Sa pusod ng dagat isip ko ay napadpad
Ito rin nga siguro ang aking katulad
Tadhanang nakasulat sa aking palad
Hiling ko lang sanay maging huwad
Dahil sa karagatan tahimik ang buhay
Isda at ibon aking laging karamay
Malakas na hanging alon ay tangay
Malawakang pighati tunay nitong taglay
Sarap pagmasdan itong karagatan
Maluwahati nyang alon para ring kapatagan
Kapag umalon namay mga bundok katapatan
Di ko rin mawarian itong si karagatan
Minsan malalim minsan mababaw
Pwedeng ikumpara sa lubluban ng kalabaw
Pag naman lumalim sing talim ng puthaw
Di kayang arukin kahit silaw ng araw
Ang taong malalim nasasaktan din
Mas lubha pang malalim, mas lalong madiin
Hindi kayang sinuhin lalu pat arukin
Ang karagatang biyaya sa atin
weng sta. ana
1216 aug42011 AKKSA
Thursday, 14 July 2011
Digmaan
digmaan ay ubusan,
patayan, wakasan
ang pinaglalabanan
prinsipyo lang ng iilan
digmaaan puno ng galit
at pagkamuhing di pinilit
kalayaan daw ang kapalit
ng mga buhay na ginilit
matira matibay
maraming bihag na tangay
yan ang patunay
sa digmaa'y nagtagumpay
digmaan digmaan tayo
para man tayong gago
ating gunawin ang mundo
ang mundo ng mga tao
wala ng puwang ang usapan
kapayapaang lumipad sa kalawakan
hanggang kailan mag uubusan
hanggang kailan ang digmaan
dwain
AKKSA 07142011
my work...my life...my like...
Wednesday, 29 June 2011
Playing with Bon Jovi's Songs and Lyrics
I dont need Pain
their aint no gain
I need Blood Money
and thus kill Billy
Though its not saturday night
I know ill be Always alright
with bed of roses on my side
I'll be there to hold you tight
If you say goodbye
It'll gonna make me cry
but I say thank you to all of you
lets not feel all blue.
Tommy and Gina are still here for you
=======================
pagsasamang Live-in (living in sin)
yan ngayon ang In
"Stick to your guns"
balewala na rin
masamang medisina (bad medicine)
nooy aming tinira
tambol aming binibira (bang a drum)
sta. fe ang kinakanta
Nang biglang sumabog at pumutok ang glorya (Blaze of glory)
sa loob at labas ng pag ibig sinta (in and out of love)
hustisya sa baril ating kinasa (justice in a barrel)
sa ngalan ng pag ibig na masama ang timpla (you give love a bad name)
Himala (miracle) ang kailangan
pag ibig pasalamatan (thank you for loving me)
huwag sumuko sa kamatayan (never say Goodbye)
pagkat atin itong tatakasan (runaway)
hindi awit ng pag ibig aking tinuran (this aint a love song)
gusto lang kitang maging kaibigan (i want you)
Darating ako kailan pa man (I'll be there for you)
aking bisig dagling bubuksan (in these arms)
francis dionisio
AK KSA
06292011 2203
my work... my like... my life...
Wednesday, 15 June 2011
Mind Freak
I need a Psychologist
I think I am Sick
Can't control what to think
It's making me a Freak
Understanding me is so hard
It is not walk in the Park
It is like dancing in the Dark
All the steps are Fucked up
Should stop this madness
Else I'll be in a mess
Stupidity at its best
And I don't want to do this
So help me God
To think it over
Give me something
To fulfill my being
Is it me or everybody else
I say the things i need to say
and they always have their own way
Maybe I'm really stupid anyway
===============
I am really, really, really so so so so bad in English poetry... :-(

Saturday, 4 June 2011
Ipis (ang pagkamuhi)
Ipis take 2
loko kang ipis ka
iniintindi pa naman kita
akala ko kakampi kita
bakit mo ako biglang tinira
ang sarap ng aking tulog
bigla mong binulabog
hakbang mo ay parang kulog
sa aking balat ay tumatalbog talbog
pambihira ka talaga
simula ngayon kalaban na kita
aking pipisain bawat makita
upang ang lahi mo ay masawata
gutom ka na ba talaga
sana na laang ay nagsabi ka
bibigyan pa naman kita
masarap na mismis ng empanada
ikaw talagang insekto
di ginagamit ang ulo
naghahanap ka yata ng gulo
at iyong kinagat aking braso
ito at maga na pati
di na rin mapigil ang kati
hindi pati ako mapirmi
gustong gusto ko ng gumanti
handa na ang sarili para giyera
baygon at boric aking sandata
ilang sandalil pa, siguradong tepok ka
tapusin pasumandali iyong pinsalang dala
kahit alam ko babalik ka pa..
DSA
AK KSA
6/4/2011

Saturday, 28 May 2011
Ayaw mo na ba sa akin
aking naramdaman iyong panlalamig
parang bagang binuhusan ng tubig
naglalaho na ba maalab na pag ibig
nagbabagang damdamin di na maantig
kislap ng mata di ko na makita
di na kinikilig sa ating mga kanta
di na rin ngumingiti sa mga gawi kong kwela
dati ay iniihit ka pa nga sa katatawa
lumilipas na ba ang ating pag ibig
anong kadahilanan hindi ko malaman
nagkakasawaan at nahihirapan
o baka naman may iba lang nilalang
pag aaway natin ay dumadalas
mga isyu't usapin parang walang lunas
bakit ganto ang nangyayari
sumpaan kaya ay sadyang binabali?
kung may nagawa man akong pagkakasala
akoy patawarin mo na.
marami ka rin namang mga pagkukulang pa
pero iniintindi lang kita
nagiging ritwal na lang ating pagsasama
pagtupad na lang sa obligasyon ng nabuong pamilya
lambingan at harutan ay nawawala na
sigawan, tampuhan pumalit na eksena
kung sa wari mo ay di ka na masaya
sabihin mo lang, akoy daglian pipirma
ating pasuhin sinumpaang kontrata
ayaw kong nagtitiis tayong dalawa
ayaw mo na ba sa akin
sabihin mo lang at aking diringgin
kahit masakit itoy aking tatangapin
itutuloy ang buhay ng wala ka sa piling
francis dionisio
AK KSA
5/20/2011

Tuesday, 15 March 2011
Hello Blogger.. I welcome you to my life
matagal ko ng pangarap mag blog.. talaga lang napakatamad ko... di naman sa tamad na inutil at walang silbi... di ko lang talaga bigyan ng importansya ang pagsusulat... ewan ko ba thats just me....
yung mga post prior to this date ay mga nai pre-date ko na lang iyon....
In any case.. i ll try to use my writing capability and share to you part of my mind, my thoughts, what I do, what I like, what you like. :D
As much as i would like to write in English language so that my audience will be worldwide, I just can't. I can write decent English, but I still prefer to write in Filipino Language, I will just drop some English line.. yeah I think it is a good idea, most people in the Philippines speak Taglish anyway.
Also I don't need grammar, spelling, punctuation police, here, though they are free to comment, and for sure I will take it constructively, but I assure you, we are going to have a lot of argument and debate... I always think that I am right? right?? hahahahaha. anyway, I am just wasting space here talking to myself.... i am not going to advertise this site anyway..... but who knows???
hmmmmm.. maybe now you understand the title.... that's me... isang Hilong Talilong... there are still so many thoughts in my head, pero.... napakatamad ko.. translated in english... I AM VERY LAZY....

Sunday, 6 March 2011
Walang Pilitan
Magla-Like ako sa gusto kong i-Like. Wag kang mamilit
Sa lahat ng ayaw ko ay yung dinitiktahan ng pangit
kung okey sana di na mag lilipat saglit
like button i-kiclick agad isang haplit
kakabanas kasi tong mga taong to
maganda sa yo, basura sa tingin ko
kaya wag mo ng ipilit yang gusto mo
dahil ibat iba tayo ng trip pare ko
Walang pilitan, walang gamitan
isip ay gamitin, lohika ay sundin
hindi ko kayang intindihin
yang pamimilit mong gawain
pwede kang tindero riyan sa gawi mo
lahat pinipilit para bumili ng produkto
kawawa ka at tunay na adelantado
pinapangunahan mo pa ang desisyon ko
kabadtrip naman talaga oo
baguhin mo nga yang style mo
kung ayaw mong mabura sa listahan ko
di mo na makikita ang profile at update ko.
OK na rin naman wag lang makulit
at ang request ay paulit ulit
riyan ako badtrip na badtrip
sa makukulit at paulit ulit na pilit.
Francis Dionisio
my work...my life...my like...
AKKSA 1045AM March 6, 2010
*wala itong kaugnayan sa mga friends ko rito sa FB, itoy sinulat ko laang dahil nainspire ako sa status ni dong abay kanina. sa kanya actually galing ang unang linya rito sa sinulat ko. pero in some ways ay ganito rin ang pananaw ko..
lumabas na naman ang style ko sa pagsusulat.. na ang huling verse/stanza ay yung other side o contradict roon sa punto ng tula... hmm.. i really need help kung ano talaga ang rules ng poetry.. but again... my work...my life...my like...

Tuesday, 22 February 2011
PABORITO
kelangan ba talagang merong paborito
bat di na lang gawin pantay pantay tayo
sama samang pagsaluhan at ating paghatian
kahit ano pa man ang maging kalagayan
masakit isipin na may naiiwan
kapag ikaw ay di napabilang
para bagang ikaw ay luhaan
etsapwera lagi sa mga partihan
pagsimulan lang ng selosan
pag ang paborito ay nalaman
di maiwasan ang tampuhan
pagkat tayo namay mga tao lamang
di patas ang mundo nariyan na iyan
pero dasal ko sanay inyong pakinggan
pagkakaroon ng paborito ating pabulaanan
"favoritism" ikubli kung di man iwasan
pero kukunin ko to sa ibang perspektibo
na komo di paborito lubog na mundo mo
sa aking tingin, kaya mo kasing gawin
di ka na kailangan pang gabayin at alalahanin
dweynsantaana
alkhobar feb 22,2011
***************************
nakukuha ko na ang style ko sa pagsusulat.... napapansin ko na sa bandang huli ay inihahabol ko lagi iyong "other side of the coin" kahit confilcting....di ko alam kung tama o mali iyon sa "rules or guidelines ng arts or poetry/writing", pero ginagawa ko pa rin... kasi..... my work...my life...my like...
saan kaya pwedeng ipa critique ang mga sulat ko? me art or poetry class kaya.?? gustong gusto kong manoor sa conspiracy bar.. lagi lang akong nauubusan ng panahon.. at saka baka wala akong makasama na makaka dig ng mga usapan roon..

Saturday, 5 February 2011
HAY NAKU. (goodluck sa career)
naiinis ako sa trabaho ko ngayon, trabaho na rin general, iyong ginagawa ko, yung progress ng career ko, sa management.... grrrrrrrrrr..
Hindi na ako masaya sa ginagawa ko
naiinip, naiinis sa kanilang tarato
kumbakit di ko magawa pagiging mareklamo
pag para sa sarili ang ipaglalaban ko
maige pa pag bayan, ilalaban ng patayan
pati mga kababayan na nangangailangan
Lagi na lang bang dapat mag tiis
kimkimin sa dibdib ang paghihinagpis
ako nga ba ito na nagsisintemyento
parang di bagay sa image kong macho
pero tao lang ako at ako ay totoo
umiiyak, nasasaktan sa pambabalewala nyo
Hay Nako, ano ba ito
nabuburyong na ako
tulungan nyo ako
maghanap ng ibang trabaho
Ang tanong ko bakit ganito tong mundo ng tao
hindi ma appreciate ang mga kontribusyon mo
Kailangan ba talagang mag makaawa
samantalang sila ang nagpapakasasa
Dapat bang isigaw ang pagsasabi
E paano kung akoy isang pipi
at ikaw naman ay bingi
di na narinig aking pasabi
Baka ako rin ang may kasalanan
buong potensyal aking sinayang
talentong bigay ay di ginamit
kaya ngayon buhay ko ay may limit
francis dionisio
feb 5, 2011
my work...my like...my life...

Thursday, 27 January 2011
IPIS
habang aking nilalantakan
itong aking umagahan
mayroong isang ipis
daraan daan sa aking harapan
tila siya ay naiingit
sa cheese cup cake
at kapeng mainit
akin binigyan ng mismis
itong pobreng ipis
sa aking pagkainip
akoy napaisip
kawawa rin naman ang ipis
image niya napakanipis
pinandidirihan at kinaiinisan
marumi kasi kanyang paanan
eh kasalanan ba niya
na madumi daanan nya
kaya nga minsan, lumilipad sya
gamit ang mga pakpak nya
gusto nya lang naman
kumain ng malaman
mapuno ang sikmura
nang hindi mga basura
kahit nga mga katropa sa potograpiya
medyo ilang na i model siya
wala pati siyang kuha
kung saan gwapong gwapo siya
sabagay minsan talaga
kakabadtrip nga sila
pag nakagat ka
maga na at ang kati pa.
==============
hehehehehe. wala magawa... isang madalian laang.. first time ko gumawa ng di gaano rhyme.. actually gusto ko lang gawaing free verse o isang narrative blog na lang.. pero di ko maiwasan mag metro...
...anyway...my work...my like...my life... (i-register trademark at copyright ko nga itong ...my work...my like...my life...)
dwain
jan 27, 2011... 10:47AM
al khobar

Wednesday, 26 January 2011
NAKAKALITONG ULAN
Its raining here in Al Khobar..... i remember songs about rain... like:
i thought i make my own creation about rain....its a mixture of light and heavy verses, typical of me... dont want it to be so light that is so commercial, dont want to to be so heavy that is "boring"... anyway.. my work.. my like.. .my life...
and here it goes....
=======
NAKAKALITONG ULAN
sa bawat patak ng ulan
na tumatama sa aking ulunan
ibat ibang pakiramdam
naglalaro sa aking isipan
ulan ay tinatali
minsan sa pighati
pero di dapat mamuhi
bagkus bumangon muli
paglalaro sa ulan aking naalala
panandaliang saya kanyang dala dala
subalit pag sumobra
itong ulan perwisyo na
putik at baha nya,
tao rin ang may sala
unang buhos ng ulan
laging inaabangan
biyaya kasing nakalaan
nabibitin sa sakahan
nababasa ang kapaligiran
kapag bumubuhos ang ulan
nadidilig ang kagubatan
pati ang kabukiran . . (no pun intended) :D ;) . .
kapag naman may kasayahan
at biglang bumuhos ang ulan
dapat isipin bendisyon ng kalangitan
upang di masira ang pinaghandaan
Masarap ang kantahan kapag umuulan
mukha ay kapalan at magkasayahan
sa sintunadong tono tenga ay takpan
wag mapipikon pag nag alaskahan
di ko maintindihan
pahiwatig nitong ulan
biyayang walang pagsidlan
o kalungkutan at kahinaan
subalit alam ko
at akin lang ito
mabuti ang dulot nitong tubig sa paraiso
sa tahanan sama sama kumakain tsampurado
dweighn
january 26, 2011
al khobar saudi arabia
- rivermaya, cueshe, - ULAN
- After image, TAG-ULAN
- Maestro ryan cayabyab (as sung by regine, Eheads,at yung original na kumanta)-tuwing umuulan at kapiling ka
- Donna Cruz-Rain
i thought i make my own creation about rain....its a mixture of light and heavy verses, typical of me... dont want it to be so light that is so commercial, dont want to to be so heavy that is "boring"... anyway.. my work.. my like.. .my life...
and here it goes....
=======
NAKAKALITONG ULAN
sa bawat patak ng ulan
na tumatama sa aking ulunan
ibat ibang pakiramdam
naglalaro sa aking isipan
ulan ay tinatali
minsan sa pighati
pero di dapat mamuhi
bagkus bumangon muli
paglalaro sa ulan aking naalala
panandaliang saya kanyang dala dala
subalit pag sumobra
itong ulan perwisyo na
putik at baha nya,
tao rin ang may sala
unang buhos ng ulan
laging inaabangan
biyaya kasing nakalaan
nabibitin sa sakahan
nababasa ang kapaligiran
kapag bumubuhos ang ulan
nadidilig ang kagubatan
pati ang kabukiran . . (no pun intended) :D ;) . .
kapag naman may kasayahan
at biglang bumuhos ang ulan
dapat isipin bendisyon ng kalangitan
upang di masira ang pinaghandaan
Masarap ang kantahan kapag umuulan
mukha ay kapalan at magkasayahan
sa sintunadong tono tenga ay takpan
wag mapipikon pag nag alaskahan
di ko maintindihan
pahiwatig nitong ulan
biyayang walang pagsidlan
o kalungkutan at kahinaan
subalit alam ko
at akin lang ito
mabuti ang dulot nitong tubig sa paraiso
sa tahanan sama sama kumakain tsampurado
dweighn
january 26, 2011
al khobar saudi arabia
Tuesday, 25 January 2011
PILIT NA SAYA
since katatapos laang ng pasko-hindi ng pagkabuhay kundi pasko ng pagsilang... mai post na rin itong isang tula. (maige pa siguroy tawagin ko na lang tugma or rhyme at hindi tula, sobrang igsi kasi) itoy ginawa ko noong akoy nanonoor/napasama sa isang christmas party sa isang siyudad rito sa gitnang silangan.. noche buena noon taong 2008. itoy napaka igsi, dahil sa celphone ko lang ito kinompose habang akoy nakatayo at nag oobserba... pero itong kathang ito ay applicable rin kahit rito sa al khobar o kahit saan mang bansa na may mga OFW.
gusto ko mang ragragan ay parang hindi na appropriate, walang inspirasyon, tsaka parang di maganda ang tema.. pasko tapos pilit na saya.... nasasayangan laang akong hindi i-share at mabasa ng iba ang rati ko ng nagawa at rumaan sa aking balintataw. baka sakaling akoy maging national artist sa pag popost ko nito eh. (Hello Carlo J.) ;P
=========
Ano ng nangyayari? Di ko talaga mawari
Ang kasayahan bay pwedeng gawing imbi?
Di naman sila masisi, kahungkagan kailangang iwaksi
Pagdaraos ng kapaskuhan, dapat pa ring ipagbunyi
Pagdiriwang ng pasko pilit bigyang silbi
Kahit kabarkada lang kapiling ngayong sandali
==========
wahahahaha.. nakakabitin...
Francis Dionisio
DXB Dec. 24, 2008
pero alam naman siguro ng karamihan na sponteneous gumana isip ko kaya iyong mga naka titik ng matunrong (?) na letra ay siya kong inihabol at ginawa just now. ;) . . . ini re arrange ko na pati..
==========
Pilit na Saya take 2
Ano ng nangyayari? Di ko talaga mawari
Ang kasiyahan bay pwedeng gawing imbi?
Pagdiriwang ng pasko pilit bigyang silbi
Kahit kabarkada lang kapiling diling sandali
Kanya kanyang toka sa mga gawain
Pagkat mesay hitik sa pagkain
May mga regalo rin para pagpalit palitin
At magsilbing sorpresa sa bawat panauhin
Malulutong na tawa narinig ng aking tenga
Pero sa pandinig ko itoy hungkag na ligaya
Kita ko rin sa kanilang mga mata
Pag asang sanay kapamilya ang kasama
pati pagraramit, tinodo na nila
nilabas na mga japorms na pamporma
sa ganon man lang mailabas ang saya
at makapag suot ng usong moda
pagtunog ng alas dose, oras sa kinalalagyan nila
dagliang tumahimik lahat at balana
aking inisip sa pinas kasi ay tapos na
pagpapakaligaya rito balewala na
Di naman sila masisi, kahungkagan kailangang iwaksi
Pagdaraos ng kapaskuhan, dapat pa ring ipagbunyi
Mensaheng aral na dala ni kristong hari
sa bawat puso siyang pa ring namamayani
DXBdec242008
KHOjan202010

Subscribe to:
Posts (Atom)