habang aking nilalantakan
itong aking umagahan
mayroong isang ipis
daraan daan sa aking harapan
tila siya ay naiingit
sa cheese cup cake
at kapeng mainit
akin binigyan ng mismis
itong pobreng ipis
sa aking pagkainip
akoy napaisip
kawawa rin naman ang ipis
image niya napakanipis
pinandidirihan at kinaiinisan
marumi kasi kanyang paanan
eh kasalanan ba niya
na madumi daanan nya
kaya nga minsan, lumilipad sya
gamit ang mga pakpak nya
gusto nya lang naman
kumain ng malaman
mapuno ang sikmura
nang hindi mga basura
kahit nga mga katropa sa potograpiya
medyo ilang na i model siya
wala pati siyang kuha
kung saan gwapong gwapo siya
sabagay minsan talaga
kakabadtrip nga sila
pag nakagat ka
maga na at ang kati pa.
==============
hehehehehe. wala magawa... isang madalian laang.. first time ko gumawa ng di gaano rhyme.. actually gusto ko lang gawaing free verse o isang narrative blog na lang.. pero di ko maiwasan mag metro...
...anyway...my work...my like...my life... (i-register trademark at copyright ko nga itong ...my work...my like...my life...)
dwain
jan 27, 2011... 10:47AM
al khobar
Ang Hilong Talilong ay madalas kong marinig sa mga matatanra sa aming bayan pag may isang tao na sa sobrang kagustuhang magawa ang mga dapat gawin eh nagmamadali at di malaman ang kung alin ang uunahin.napili ko itong pamagat ng aking blog dahil palagay ko ay akoy isang hilong talilong
Thursday, 27 January 2011
Wednesday, 26 January 2011
NAKAKALITONG ULAN
Its raining here in Al Khobar..... i remember songs about rain... like:
i thought i make my own creation about rain....its a mixture of light and heavy verses, typical of me... dont want it to be so light that is so commercial, dont want to to be so heavy that is "boring"... anyway.. my work.. my like.. .my life...
and here it goes....
=======
NAKAKALITONG ULAN
sa bawat patak ng ulan
na tumatama sa aking ulunan
ibat ibang pakiramdam
naglalaro sa aking isipan
ulan ay tinatali
minsan sa pighati
pero di dapat mamuhi
bagkus bumangon muli
paglalaro sa ulan aking naalala
panandaliang saya kanyang dala dala
subalit pag sumobra
itong ulan perwisyo na
putik at baha nya,
tao rin ang may sala
unang buhos ng ulan
laging inaabangan
biyaya kasing nakalaan
nabibitin sa sakahan
nababasa ang kapaligiran
kapag bumubuhos ang ulan
nadidilig ang kagubatan
pati ang kabukiran . . (no pun intended) :D ;) . .
kapag naman may kasayahan
at biglang bumuhos ang ulan
dapat isipin bendisyon ng kalangitan
upang di masira ang pinaghandaan
Masarap ang kantahan kapag umuulan
mukha ay kapalan at magkasayahan
sa sintunadong tono tenga ay takpan
wag mapipikon pag nag alaskahan
di ko maintindihan
pahiwatig nitong ulan
biyayang walang pagsidlan
o kalungkutan at kahinaan
subalit alam ko
at akin lang ito
mabuti ang dulot nitong tubig sa paraiso
sa tahanan sama sama kumakain tsampurado
dweighn
january 26, 2011
al khobar saudi arabia
- rivermaya, cueshe, - ULAN
- After image, TAG-ULAN
- Maestro ryan cayabyab (as sung by regine, Eheads,at yung original na kumanta)-tuwing umuulan at kapiling ka
- Donna Cruz-Rain
i thought i make my own creation about rain....its a mixture of light and heavy verses, typical of me... dont want it to be so light that is so commercial, dont want to to be so heavy that is "boring"... anyway.. my work.. my like.. .my life...
and here it goes....
=======
NAKAKALITONG ULAN
sa bawat patak ng ulan
na tumatama sa aking ulunan
ibat ibang pakiramdam
naglalaro sa aking isipan
ulan ay tinatali
minsan sa pighati
pero di dapat mamuhi
bagkus bumangon muli
paglalaro sa ulan aking naalala
panandaliang saya kanyang dala dala
subalit pag sumobra
itong ulan perwisyo na
putik at baha nya,
tao rin ang may sala
unang buhos ng ulan
laging inaabangan
biyaya kasing nakalaan
nabibitin sa sakahan
nababasa ang kapaligiran
kapag bumubuhos ang ulan
nadidilig ang kagubatan
pati ang kabukiran . . (no pun intended) :D ;) . .
kapag naman may kasayahan
at biglang bumuhos ang ulan
dapat isipin bendisyon ng kalangitan
upang di masira ang pinaghandaan
Masarap ang kantahan kapag umuulan
mukha ay kapalan at magkasayahan
sa sintunadong tono tenga ay takpan
wag mapipikon pag nag alaskahan
di ko maintindihan
pahiwatig nitong ulan
biyayang walang pagsidlan
o kalungkutan at kahinaan
subalit alam ko
at akin lang ito
mabuti ang dulot nitong tubig sa paraiso
sa tahanan sama sama kumakain tsampurado
dweighn
january 26, 2011
al khobar saudi arabia
Tuesday, 25 January 2011
PILIT NA SAYA
since katatapos laang ng pasko-hindi ng pagkabuhay kundi pasko ng pagsilang... mai post na rin itong isang tula. (maige pa siguroy tawagin ko na lang tugma or rhyme at hindi tula, sobrang igsi kasi) itoy ginawa ko noong akoy nanonoor/napasama sa isang christmas party sa isang siyudad rito sa gitnang silangan.. noche buena noon taong 2008. itoy napaka igsi, dahil sa celphone ko lang ito kinompose habang akoy nakatayo at nag oobserba... pero itong kathang ito ay applicable rin kahit rito sa al khobar o kahit saan mang bansa na may mga OFW.
gusto ko mang ragragan ay parang hindi na appropriate, walang inspirasyon, tsaka parang di maganda ang tema.. pasko tapos pilit na saya.... nasasayangan laang akong hindi i-share at mabasa ng iba ang rati ko ng nagawa at rumaan sa aking balintataw. baka sakaling akoy maging national artist sa pag popost ko nito eh. (Hello Carlo J.) ;P
=========
Ano ng nangyayari? Di ko talaga mawari
Ang kasayahan bay pwedeng gawing imbi?
Di naman sila masisi, kahungkagan kailangang iwaksi
Pagdaraos ng kapaskuhan, dapat pa ring ipagbunyi
Pagdiriwang ng pasko pilit bigyang silbi
Kahit kabarkada lang kapiling ngayong sandali
==========
wahahahaha.. nakakabitin...
Francis Dionisio
DXB Dec. 24, 2008
pero alam naman siguro ng karamihan na sponteneous gumana isip ko kaya iyong mga naka titik ng matunrong (?) na letra ay siya kong inihabol at ginawa just now. ;) . . . ini re arrange ko na pati..
==========
Pilit na Saya take 2
Ano ng nangyayari? Di ko talaga mawari
Ang kasiyahan bay pwedeng gawing imbi?
Pagdiriwang ng pasko pilit bigyang silbi
Kahit kabarkada lang kapiling diling sandali
Kanya kanyang toka sa mga gawain
Pagkat mesay hitik sa pagkain
May mga regalo rin para pagpalit palitin
At magsilbing sorpresa sa bawat panauhin
Malulutong na tawa narinig ng aking tenga
Pero sa pandinig ko itoy hungkag na ligaya
Kita ko rin sa kanilang mga mata
Pag asang sanay kapamilya ang kasama
pati pagraramit, tinodo na nila
nilabas na mga japorms na pamporma
sa ganon man lang mailabas ang saya
at makapag suot ng usong moda
pagtunog ng alas dose, oras sa kinalalagyan nila
dagliang tumahimik lahat at balana
aking inisip sa pinas kasi ay tapos na
pagpapakaligaya rito balewala na
Di naman sila masisi, kahungkagan kailangang iwaksi
Pagdaraos ng kapaskuhan, dapat pa ring ipagbunyi
Mensaheng aral na dala ni kristong hari
sa bawat puso siyang pa ring namamayani
DXBdec242008
KHOjan202010

Subscribe to:
Posts (Atom)