kelangan ba talagang merong paborito
bat di na lang gawin pantay pantay tayo
sama samang pagsaluhan at ating paghatian
kahit ano pa man ang maging kalagayan
masakit isipin na may naiiwan
kapag ikaw ay di napabilang
para bagang ikaw ay luhaan
etsapwera lagi sa mga partihan
pagsimulan lang ng selosan
pag ang paborito ay nalaman
di maiwasan ang tampuhan
pagkat tayo namay mga tao lamang
di patas ang mundo nariyan na iyan
pero dasal ko sanay inyong pakinggan
pagkakaroon ng paborito ating pabulaanan
"favoritism" ikubli kung di man iwasan
pero kukunin ko to sa ibang perspektibo
na komo di paborito lubog na mundo mo
sa aking tingin, kaya mo kasing gawin
di ka na kailangan pang gabayin at alalahanin
dweynsantaana
alkhobar feb 22,2011
***************************
nakukuha ko na ang style ko sa pagsusulat.... napapansin ko na sa bandang huli ay inihahabol ko lagi iyong "other side of the coin" kahit confilcting....di ko alam kung tama o mali iyon sa "rules or guidelines ng arts or poetry/writing", pero ginagawa ko pa rin... kasi..... my work...my life...my like...
saan kaya pwedeng ipa critique ang mga sulat ko? me art or poetry class kaya.?? gustong gusto kong manoor sa conspiracy bar.. lagi lang akong nauubusan ng panahon.. at saka baka wala akong makasama na makaka dig ng mga usapan roon..
Ang Hilong Talilong ay madalas kong marinig sa mga matatanra sa aming bayan pag may isang tao na sa sobrang kagustuhang magawa ang mga dapat gawin eh nagmamadali at di malaman ang kung alin ang uunahin.napili ko itong pamagat ng aking blog dahil palagay ko ay akoy isang hilong talilong
Tuesday, 22 February 2011
Saturday, 5 February 2011
HAY NAKU. (goodluck sa career)
naiinis ako sa trabaho ko ngayon, trabaho na rin general, iyong ginagawa ko, yung progress ng career ko, sa management.... grrrrrrrrrr..
Hindi na ako masaya sa ginagawa ko
naiinip, naiinis sa kanilang tarato
kumbakit di ko magawa pagiging mareklamo
pag para sa sarili ang ipaglalaban ko
maige pa pag bayan, ilalaban ng patayan
pati mga kababayan na nangangailangan
Lagi na lang bang dapat mag tiis
kimkimin sa dibdib ang paghihinagpis
ako nga ba ito na nagsisintemyento
parang di bagay sa image kong macho
pero tao lang ako at ako ay totoo
umiiyak, nasasaktan sa pambabalewala nyo
Hay Nako, ano ba ito
nabuburyong na ako
tulungan nyo ako
maghanap ng ibang trabaho
Ang tanong ko bakit ganito tong mundo ng tao
hindi ma appreciate ang mga kontribusyon mo
Kailangan ba talagang mag makaawa
samantalang sila ang nagpapakasasa
Dapat bang isigaw ang pagsasabi
E paano kung akoy isang pipi
at ikaw naman ay bingi
di na narinig aking pasabi
Baka ako rin ang may kasalanan
buong potensyal aking sinayang
talentong bigay ay di ginamit
kaya ngayon buhay ko ay may limit
francis dionisio
feb 5, 2011
my work...my like...my life...
Hindi na ako masaya sa ginagawa ko
naiinip, naiinis sa kanilang tarato
kumbakit di ko magawa pagiging mareklamo
pag para sa sarili ang ipaglalaban ko
maige pa pag bayan, ilalaban ng patayan
pati mga kababayan na nangangailangan
Lagi na lang bang dapat mag tiis
kimkimin sa dibdib ang paghihinagpis
ako nga ba ito na nagsisintemyento
parang di bagay sa image kong macho
pero tao lang ako at ako ay totoo
umiiyak, nasasaktan sa pambabalewala nyo
Hay Nako, ano ba ito
nabuburyong na ako
tulungan nyo ako
maghanap ng ibang trabaho
Ang tanong ko bakit ganito tong mundo ng tao
hindi ma appreciate ang mga kontribusyon mo
Kailangan ba talagang mag makaawa
samantalang sila ang nagpapakasasa
Dapat bang isigaw ang pagsasabi
E paano kung akoy isang pipi
at ikaw naman ay bingi
di na narinig aking pasabi
Baka ako rin ang may kasalanan
buong potensyal aking sinayang
talentong bigay ay di ginamit
kaya ngayon buhay ko ay may limit
francis dionisio
feb 5, 2011
my work...my like...my life...
Subscribe to:
Posts (Atom)