Tuesday, 3 June 2008

Boloy Big Brother's Room

Pagkakaibigang walang katulad
dito natutupad
Pag sa Al Khobar ikay naglakad
Lalot tiga Rizal dito ka ipapadpad

Kasayahang wala haplit
Dinaraos naming pilit
kanya kanyang diskarte aming gamit
upang huwebes at byernes dito na kami mapiit

kutakutakot na kalokohan inyong mamamasdan
bastat wag kang kukurap at magbibingibingihan
Makikita rito maraming kaganapan
Minsan drama pero kadalasay kasayahan

maraming catchline lumalabas rito
"kaya mo pa ba?" madalas marinig ito
kung sino mang nag sabi, dali na! hulaan nyo

Plastikan walang puwang sa amin
Pag pumasok ito buntal aabutin
Walang kwentang intriga, di namin pansin
lalo pat itoy tangay lang ng hangin

Di naman masabi grupong itoy perpekto
pero kwartong itoy para sa amin ay paraiso
Pagkakaiba ng personalidad ditoy aming tanto
dahil lahat kami rito ay pawang pasensyoso

maraming umalis marami ng dumating
aming pagsasamahan buong buo pa rin
Di man madalas makasama silay narito pa rin
kasangga lagi sa tagay na inumin

Yaring mga titik nilimbag bilang pugay
sa bahay at samahang nagbigay ng buhay
sa aming hungkag na ligayang ritoy kaagapay
dalangin namin saya sana ay walang humpay

Masyado ng humaba itong tula
aking inaasahang itoy bibigyang pula
subalit sa amin itoy balewala
taos pusong pasasalamat mula sa may akda.
==================
ang panget.. raw na raw.... di kasi mula sa puso eh.. hek hek hek..

Pulitikong Billboard

syento porsento agree ako rito
kumbakit nga naman kayo ay ganito
bakit kailangan pang ibalandra ang mukha mo
di mo naman pera ang ginamit rito

naroon na ako, sa pamumuno mo ginawa ito
pero bakit kailangan pang ipagmayabang mo
kailangan ba talagang ilagay ang iyong litrato
ikiy magpakumbaba iyan ang akin payo

wag naman nating lahatin ang politiko
mayroon rin namang mga simpatiko
iyong iba nga lang laging gustong paboloso
akala yatay sapat na yun para makakuha ng boto

kayat mga kababayan ko.
sanay mabago ang kulturang ito.
bagamat di lang sa atin nangyayari ito
naway maging iba ang style natin rito.

Monday, 5 May 2008

Wakatulog

ano ba ito, bakit ganito
nitong huling araw
akoy nalilito
pagtulog sa gabi, pinahihirapan ako

sa paghiga sa kama
mahimbing na pagtulog akoy umaasa
subalit di masupil utak ko sa paggana
nakababahala, sanay di ito insomia

Nakaw na idlip ayaw ko ng gawin
Kapag nahihimbing tsaka gugulatin
Utak namay magigising na rin
Itoy sapat na upang akoy puyatin

Kutkot na mahika, wala yatang epekto
Mula pa noong bata ay gawi ko na ito
Kinamulatang ritwal halos sauluhin ko
Ala una, Alas dos, gising pa rin ako

Pabiling biling, parang praning
Di malaman kung anong gustong gawin
Akin isipan piliting pakalmahin
Dasal na pahinga, sana namay dinggin

German Moreno, alisin sumpa mo
Masakit sa ulo yang iyong pauso
Walang tulugan panawagan mo
Di ko na kaya, lipas na ako

Anong inyong masasabi sa aking dinaranas
Pagod na kataway parang hindi lunas
Takbo ng isipay tila walang kupas
Ayokong maging gising hanggang bukas

Francis Dionisio
12:49AM May 5, 2008
I-mate Jam, pocket PC
Al Khobar tower

Saturday, 3 May 2008

MUSIKO

para po ito sa mga musikero ng cardona, maski banda uno, singko o otso....parang gusto ko ring isabit ang morriz..:-)



=============================
Ibat ibang tunog ginagawa ninyo
Pag nagsabay sabay nagiging musika ito
May patatlak, my simbal, meron rin bumbo
Kaya tumabi tabi ka, at kalapit mo ay baho

Samahan sa musiko ay napakagwapo
Basta me numbra pupunta ako
Kahit na mapagod ang baga ko
Basta wag kalimutan pagkain ko

Ang sarap maglakad basta me pasiyo
Lakad, martsa, ang daming tao
Nanonood, natutuwa, lalo pag kamiy unipormado
Bigyan pa namin kayo ng mga ekslusibo

majorette naman, laging bida saan man
musika namin ay nakakalimutan
pero okey lang naman,
basta kayoy masiyahan

Silay mga kagandahan, majorette sa daan
Binatay abang lalot me exhibition na labanan
Sabayan pa ng tugtog ang indak ng balakang
Sa lambot ng katawan, tuloy ang hatawan

Banda ng musiko talagang kakaiba
Sipag at Tiyaga kailangan talaga
Pag mahusay na at sinuwerte pa
Bigtime na orchestra kukunin tana

office. my cubicle
May 3, 8:18PM
Al Khobar Saudi Arabia

Friday, 2 May 2008

Sipit

Itong simpleng sipit,
di man kaakit akit
Siyang lagi kong kaukyabit
Kapag akoy Homesick

Alam nyo namang haplit
Dito sa aming sinapit
Kanya kanyang ligpit
Ng aming maduduming damit

Huwebes at byernes na dikit
Yan ang araw na aming gamit
Labaday tapusing pilit
Upang magamit aring sipit

Wag hamakin yaring sipit
Dahil pag silay nawaglit
Ang tapos mo ng damit
Hahabulin mo sa langit.

duane sta. ana
room 702 al khobar tower
May 2, 2008 10:18PM
Al Khobar Saudi Arabia