Thursday 4 August 2016

anong klaseng logic yan? - hashtag rEJKt

pauna na!, i am against any form of violence, pero kung hindi maiiwasan, so be it. flexible naman akong mag isip.

itong post na ito ay tungkol sa nagaganap na war on drugs ng ating Gobyerno.  Akoy against sa mga kaganapang nangyayari na maraming taong namamatay via Extra Judicial Killing. Pero hindi ibig sabihin nuon ay against ako sa ginagawang war on drugs-let that be very clear!

May mga nagtatanggol na "ayos" raw lang naman yun, at ang kanilang reasoning ay may mga pinatay raw yung mga iyon, ni rape, talagang mga heinous at karumal dumal na krimen ang mga nagawa. ito naman po ang aking napakasimple na rebuttal dahil sa totoo laang ay medyo na ooff-an ako reasoning ng mga nagsasabi na di namin naiisip ang mga pinatay ng mga drug addicts kaya kami against sa pag patay sa mga drug addicts, pushers at minsan pa nga ay may nasasama na users at mga inosente.

para sa akin kasi, dapat ay yung mismong pumatay ang hulihin, ikulong, litisin at patakbuhin ang gulong ng justice system.. or kung gusto talaga nila ng patayan. eh di patayin na rin nila.. pero wag naman iyong kumbaga ay komo kalipi, read: kapwa adik ang pag didiskitahan or sabihin ko na na parang ginagantihan ang kabuuan ng addictus communitus...hahahaha.. natawa naman ako sa addictus communitus na ang ibig kong sabihin ay community ng mga drug addicts-kung meron mang ganyun... hahahahaha uli..

anyway pag ganyan ang kaisipan.... pwedeng ang sabihin na rin ng addictus communitus na dapat ay patayin rin lahat ng mga tsismosa, gawa ng mga mga mga tsismosa/tsismoso na nakasira ng buhay mag asawa, nakasira ng reputasyon ng isang indibidwal, posible ring may nagpakamatay dahil sa depression dahil sa naitsismis siya.

August 5, 2016

No comments:

Post a Comment