ito ay subok laang..itong mga sulat rito ay matagal ko ng nasulat roon pa sa forum ng CWK (circa 2004 pa siguro)... ilalagay ko laang rito bilang test text at gawa ng mahaba haba.. 
itong sulat litanya kong rito ay base sa tanong at diskusyon na kung payag raw bang magkaroon ng subdivision sa cardona..
- sino ang titira sa subdivision?
sagot  ni duane - > syempre mga taga ibang bayan, pero pwede ring mga taal  na taga cardona, ang isa sa problema natin ay masyado tayong close sa  isat isa.. as in literally close.. kahit may asawa na, naka ung ong pa  rin sa bahay ng magulang...siguro nga dahil sa pagmamahal sa cardona  natin kaya ayaw lumipat ng bahay/bayan... so kung may subdivision sa  cardona, roon sila titira, pwede pa rin silang makipag sapaoan.
iyong isyu ng estranghero ay idi-discuss ko ang essence ng positions ko roon susunor na mga talata.
concern ng hindi payag..
- environmental (flooding and landslide)
sagot  ni duane - > mareremedyuhan iyan ng proper engineering practice at  technology (pera ang kailangan) (kung di nila (developer) kayang ma meet  ang environmental, engineerings at safety standards ng mga ganong  infrastructure.. wag na silang tumuloy.... sa palagay ko naman ay may  competent na engineers sa munisipyo natin (sana, i hope) (kung wala  paano na... eh di iyong mga concern citizens na may background sa  engineering, i-check nila kung nasa standards ang pagkakagawa ng  subdivision)
- Criminality and security 
sagot ni duane - >  maraming uri ng criminality di naman nasabi kung anong uri ng  criminality ang tinutukoy na masasabing sa kadahilanan ng pagkakaroon ng  estranghero dahil sa matatayong subdivision.
merong rape, patayan, petty crimes like snatching, away na sigawan at payabangan, nakawan..
there  are certain level of criminality ba na di kayang gawain ng mga taal na  taga atin? believe me may magnanakaw na taga cardona, may kayang  manaksak na taal na taga cardona.
ang nakikita kong problema ay:  nila level na natin kaagar ang estranghero na estranghero... why cant we  welcome and let them be part of cardona. at gaya ng nauna ko ng post.  sila ang ating i-recruit para maramraman nila na home rin nila ang  cardona bagamat di sila taal....
- Privacy
- > same thing,  its only a matter of welcoming them and let them feel at home.. (wag  nating ma feel nila na ginagamit laang sila tuwing may election)
- preservation of cardona culture
-  > same thing, its only a matter of welcoming them and let them feel  at home.. (wag nating ma feel nila na ginagamit laang sila tuwing may  election)
- walang industriya at kabuhayan
> related ito sa estranghero issue
- homogenous o nagkakamukhaan
>  Binggo, kung sa tingin ninyo ay malaking benepisyo ito.. para sa akin,  it is somewhat of a dis advantage... nagkakamukhaan kaya di mahuli si  ganto... kaya ko ibinoto ito ay dahil nakakahiya at pinautang tayo nito  noong tayoy gipit bagamat alam nating makalokohan sa kataw-an.
LITANYA KO.
sa  aking palagay. at itoy akin laang, kung may kapareho ako ng paniniwala,  pareho tayong abno...akoy kaya di nakapag tapos maski kaya akong  papagiskwilahin ng mga inang at amang ko ay dahil sa masyado akong laid  back at masyadong attached sa atin... maski noong high school ako.. sa  morong (RTPI) ako na enroll, di ko feel makitalastasan sa mga taga ibang  bayan (mga taga rizal na iyon ha), gusto ko laging taga cardona.. ay  nagkataong, di ko kasabay ng iskedyul ang mga taga atin.. hayun. cutting  na umaatikabo... lipat ng esef.. lalong na praning. luwas ng manila,  lalong nalintikan... di kasi ako sanay na may kausap na taga ibang lugar  o di taga cardona. kumbaga parang confined na confined sa iisang lugar  ang isip ko.. walang exercise.. parang nakakulong...
ito pa, kaya  maganda iyong thread roon sa kabila eh.. iyong mga famous tao ng  cardona, iyong sa atin bakit wala tayong maipaglalagay... i challenge  all of you na lagyan natin iyon or punuin ng taal na taga cardona... 
....  sige isipin ninyo iyong mga bisaya, bibisabisaya ehhh. ilokano,  cebuana, magaling kumanta, matatalino, magaganda meron rin silang mga  sikat na tao...(edit ko ngayon-march 15, 2011; no pun intended po sa word na bisaya.. )
ito pa uli, ngayon nakapag abroad ako dahil sa  tawag ng pangangailangan.. (nag asawa po kasi ako at pangalawa malapit  ng maaning sa aking kalintikan sa buhay noong binata pa kaya akoy nikuha  ni amang rito sa saudi. ) nakasalamuha ako ng ibat ibang ugali, ibat  ibang lahi... and i've learned a lot and i mean a lot and it makes me a  better person. 
Thats all for now, your honor.
sige po hanggang sa muli.. mabuhay kayo...mabuhay ang taga cardona at ang mga magigigi pang taga cardona. 
testing ng paglalagay ng image 

 
anong masasabi mo??
ReplyDelete