Friday 22 May 2009

Mother - My first poem (yata) for 2009…

Ang hirap mag press release at mangako…. Nag iinarte ang utak ko eh.. ayaw gumana pag susulat at pag su shoot……maige na laang at kahit papaano ay nakagawa ako…salamat ron sa mga mga bumabasa ng likha ko at "nangungulit" na mag sulat uli ako

…buti umabot pa yata sa mothers day 2009
=====================================
Mudra, mother bear, ina, mama, mommy, inang
Pahinging pamagat.. (wala akong maisip ng taytol)

Natatanging nilalang itong mga ina
Gagawin ang lahat para sa anak niya
Kahit anong kalokohan pa ang gawin nila
Titiisin lang kahit kaloobay nagdurusa

Silang mga nanay, bayaning tunay
Sa kadahilanang sila ang ating gabay
Pag abot sa panagarap sila ang tulay
Marapat na mahalin ng walang humpay

Balewala na kanyang giliw na asawa
Basta’t anak nya ang maging maligaya
Ibigay ang di kaya o kayay baliin ang panata,
Wag lang mabigo, pinakamamahal nyang bata

Awitin nilang giliw,Sarap alalahanin
Pag narinig ito, lutang ka na sa hangin
Kahit sintunado, mata mo’y pipikit na rin
Yan ang angkin at misteryong galing

Mahirap pala ang maging isang ina
Itoy narinig ko ng sinabi ng mahal kong asawa
Kaya naman kay mama, Hingi ko ay pasensya.
Taos pusong pagmamahal nais kong baunin nya

Francis dionisio
Al Khobar Saudi Arabia
March 22, 2009.

No comments:

Post a Comment