Tuesday 9 November 2010

Huling Panawagan bago dumilim

isang malayang pagsulat ukol sa mga taong naghahanap ng makakasama sa buhay

pano ba ang dapat kong gawin,
nasaktang puso muli bang patibukin
o kelangan ng pigilin damdamin
magdusa na lang at tiisin

subalit kelangan ko ring gawin
ang magmahal at mahalin
karapatan ko rin naman din
maging masaya at buhay ay lubusin

mga katagang dapat banggitin?
at paliparin sa hangin
"subukan nyo kong mahalin
pag di lumigaya tsaka ako limutin"

tapat na hangarin
inyo sanang dinggin
kailangang iparating
bago araw ay dumilim

==========
last two lines ng third stanza ay mula sa isang contributor from jiles.com... hahahahahaha..

nasiyahan ako roon sa sinabi niyang iyon, kaya inigawa ko na ng full blown rhyme..

pero di ako happy, not put much effort and emotion rito... just for the heck of it ko to sinulat

No comments:

Post a Comment