kelangan ba talagang merong paborito
bat di na lang gawin pantay pantay tayo
sama samang pagsaluhan at ating paghatian
kahit ano pa man ang maging kalagayan
masakit isipin na may naiiwan
kapag ikaw ay di napabilang
para bagang ikaw ay  luhaan
etsapwera lagi sa mga partihan
pagsimulan lang ng selosan
pag ang paborito ay nalaman
di maiwasan ang tampuhan
pagkat tayo namay mga tao lamang
di patas ang mundo nariyan na iyan
pero dasal ko sanay inyong pakinggan
pagkakaroon ng paborito ating pabulaanan
"favoritism" ikubli kung di man iwasan
pero kukunin ko to sa ibang perspektibo
na komo di paborito lubog na mundo mo
sa aking tingin, kaya mo kasing gawin
di ka na kailangan pang gabayin at alalahanin
dweynsantaana
alkhobar feb 22,2011
***************************
nakukuha  ko na ang style ko sa pagsusulat.... napapansin ko na sa bandang huli  ay inihahabol ko lagi iyong "other side of the coin" kahit  confilcting....di ko alam kung tama o mali iyon sa "rules or guidelines  ng arts or poetry/writing", pero ginagawa ko pa rin... kasi..... my  work...my life...my like...
saan kaya pwedeng ipa critique  ang mga sulat ko? me art or poetry class kaya.?? gustong gusto kong  manoor sa conspiracy bar.. lagi lang akong nauubusan ng panahon.. at  saka baka wala akong makasama na makaka dig ng mga usapan roon..
 
No comments:
Post a Comment