Sa pusod ng dagat isip ko ay napadpad
Ito rin nga siguro ang aking katulad
Tadhanang nakasulat sa aking palad
Hiling ko lang sanay maging huwad
Dahil sa karagatan tahimik ang buhay
Isda at ibon aking laging karamay
Malakas na hanging alon ay tangay
Malawakang pighati tunay nitong taglay
Sarap pagmasdan itong karagatan
Maluwahati nyang alon para ring kapatagan
Kapag umalon namay mga bundok katapatan
Di ko rin mawarian itong si karagatan
Minsan malalim minsan mababaw
Pwedeng ikumpara sa lubluban ng kalabaw
Pag naman lumalim sing talim ng puthaw
Di kayang arukin kahit silaw ng araw
Ang taong malalim nasasaktan din
Mas lubha pang malalim, mas lalong madiin
Hindi kayang sinuhin lalu pat arukin
Ang karagatang biyaya sa atin
weng sta. ana
1216 aug42011 AKKSA
No comments:
Post a Comment