Rant, angst, take on sangguniang kabataan
(sanitized version)
kabataan ng bayan, ikaw ay kailangan
paghubog sa bukas, inyong tamurawan
wag intindihin, udyok ng magugulang
sarili ang isipin at ang pamayanan
lubhang nakalulungkot
mukhang naging buktot
diskarte ng kabataan ay pinakikialaman
matatandang gahaman sa kapangyarihan
Sangguniang kabataan gabay ang kailangan
hindi ang pakialaman ng sangkatandaan
subalit nangyari na at naimpluwensyahan pa
utak ng kabataan mukhang nalason na
kabataang matuwid ang paninindigan
masasamang gawi ng matanday wag pakinggan
sariling diskarte ay wag isa isang tabi
bagong kaisipan, yan ang iyong kakampi
sangguniang kabataan, para raw sa kabataan
ngunit anong nagawa nito para sa kasamahan
mga proyektong natapos, sinong nakikinabang
sa aking palagay, lahat itoy bamban.
sariling karanasan aking pinagmasdan
iaatang na responsibilidad di gaanong pinagaralan
bilang baguhan sa papasuking larangan
tinangay ng agos na parang laruan
unang bugso pa lamang
akin ng nalaman
SK pala ay hindi kabataan
ito pala'y karugtong lang ng katandaan
room 702 al khobar tower
may 2 2008 8:22AM
Al Khobar Saudi Arabia
Ang Hilong Talilong ay madalas kong marinig sa mga matatanra sa aming bayan pag may isang tao na sa sobrang kagustuhang magawa ang mga dapat gawin eh nagmamadali at di malaman ang kung alin ang uunahin.napili ko itong pamagat ng aking blog dahil palagay ko ay akoy isang hilong talilong
Friday, 2 May 2008
Thursday, 1 May 2008
Alay sa mga manggagawa sa araw ng paggawa
Mano manong paggawa, uso noong araw
Ngunit ngayoy makina na ang gumagalaw
Karamihang manggagawa, nawalan ng gawa
Dahil sa makinang ngawa ng ngawa
Sa bidang makina ng industriyalisasyon kaakibat
Hindi tatakbo kung walang isip na batbat
Kapitalistay natuwa sa dami ng gawa
Ngunit husay ng manggagawa ay binabalewala,
Ika isa ng Mayo, importante po ito
Araw ng paggawa, inaalala rito
Noon ay di ako interesado
Maliban sa isipin na itoy anibersyaryo
Inililiban muna Pasok sa Eskwela, upisina at pabrika
Upang manggagawa ay bigyan ng pahinga
Makapiling ang pamilya, Bumisita sa asawa
Buong pamilyay magkasama sama
Pagal na katawan, pagod na isipan
Di pa rin sapat upang silay pigilan
Ipaglaban ang karapatan
sa parehas na labanan
Kauri kong manggagawa Saludo ako sa yo!
Ika isa nga mayo, araw natin ito
Kabuhayan ng pamilya isinasaalang alang mo
Upang ipaglaban ang karapatan mo!
Francis Dionisio
Room 702 al khobar tower
May 1, 2008 11:30PM

Tuesday, 29 April 2008
Gabladon
alam kong matagal na na akoy abno.. pero ngayon ko lang talaga na ko confirm... trip ko naman ngayong maging makata, kaya pasensyahan nyo na ang aking gabaldon... pangalawang tula in a span of 5 hours..... (kasama pa riyan ang pag tatarabaho sa opis--owwws nag tatarabaho ba talaga?? ) yabang ko talaga.. kakainis ako..!..
anyways para sa mga tiga atin... sa CARDONA - hanep me dedication pa aba..
Memories about Gabaldon
Rant, angst, memories bout gabaldon
Pangalawang tula ay sinikap limbagin
Upang ialay sa dambanang nilagim
Gabaldon ray winalis ng di natin pinansin
Walang dapat sisihin kundi tayo rin
Tayong pinalaki ng naturang paaralan
Matapos iwan ay atin na siyang kinalimutan
Kaya nama’t hayun, siyay pinatulan
Ng mga taong may angking kabuktutan
Ayoko ng isipin pa dahil itoy nakaraan na
Ibalik pa siyay talagang malabo na
Disin sanay tayoy kumilos na
Nang malamang me proyekto na pala
Gabaldon, gabaldon, iyan ka pala
Nito ko lang nalaman angkin mong ganda
Kung bakit ng wala ka na
Saka pa lang naalala
Magagandang istorya lagi mong dala
Subalit minsay may lungkot ring alaala
Di maiwasang pumatak ang luha
Di naman masabi kung sa lungkot o tuwa
Siyay nagsilbi na ating patnubay
Upang harapin ang hamon naring buhay
tunay na siyay naging tulay
Nang buhay natin upang magtagumpay
Hinutok at pinanday talento ng bayan
Upang ipagmalaki sa mapiling larangan.
Subalit sa iba ginamit angking katalinuhan
Marapat lang bigyang linaw ang kabalintunaan
Kung sino mang tinukoy na me kinalaman dito
Pagkawala ng gabaldon sanay magmistulang multo
Kunsenya nyo ng buong departamento
Naway luminis na ito
Ano pang magagawa ng mga letra ng isang tula
Upang imulat ang mga pikit pa
Marahil wala na nga
Dahil masamang gawi at pulitika sa atin ay baon na
-----------------------------
the poem is about an age old building.. an institution if you will...
ang gabaldon ay ang isang school building sa aming lugar..
-----------------------------
============================
Agree that change is inevitable and it is the only constant “thing” in this world. The "hindi gusto" subalit "kailangang gawin" scenario could have been avoided if we had given priority to the historical values of Gabaldon-not unless its woods are depreciating and in unhealthy state, in that case we could have rehabilitated it. That building is so distinct that gives Cardona a unique appeal and maybe some leverage to market our town. (considering if the case that Gabaldon was the only wooden porched(?) school standing in Rizal or the Philippines if we are lucky and made our research)
A new building can easily be created on parallel or nearby location to cater the growing pupil populace of MCSJES. Some towns are preserving their age old buildings that have rich history while we, in our town destroys them. I read somewhere that that building was built sometime in 1937. Imagine it survived the bombs of World War II, too bad it did not survive the uber smartness and intelligence of modern people.
===============
pasensya na at baguhan.. kung di pa talaga siya nag ra rhyme at kung walang thought iyong iba... ART iyan eh. kanya kanya lang interpretasyon..
maraming salamat po...
ako poy nagpapasalamat sa nanay at tatay ko, dahil kung hindi dahil sa kanila ay wala ako sa mundong ito.. pati sa binuo kong pamilya, melody, ambo, dylan, at sa parumating...(eager to see you na - sana totoo ang sabi ng teknolohiya :-))
salamat rin sa mga kapater ko.. buhay at patay... ngek!.... sa mga kabatch, kaibigan, katropa, mga naging parte ng buhay ko, lovelife, ganooon..... at roon sa mga nakalimutan ko... salamat rin... iyong mga kababag ko at naiinis/nagagalit sa akin.. walang salamat ..joke lang... .. hahahaha.... basta salamat sa lahat.
and also i would like to thank myself, for my hair (tagal ko na di nagpapagupit-pamapamada na lang.., ukay ukay and folded and hung for my clothes... at sa aking mga sponsors.. .... hahahahahaha... feeling agkap ako ngayon...

Sunday, 30 March 2008
ray of hope for tainted phil

nakakalungkot isipin
ang puti ay naging itim
bayan kong mahal
pailalim na sa imburnal
subalit silaw ng araw
maningning pa ring dilaw
pag asa pa rin ay tanaw
basta sama sama ating galaw
ano bang sanhi
at ganito ating lahi
kanino nakaturo ang makasalanang daliri
alam mo na yun!; limiin mo pang sidhi
Saturday, 15 March 2008
Payag ka bang magkaroon ng subdivision sa Cardona?
ito ay subok laang..itong mga sulat rito ay matagal ko ng nasulat roon pa sa forum ng CWK (circa 2004 pa siguro)... ilalagay ko laang rito bilang test text at gawa ng mahaba haba..
itong sulat litanya kong rito ay base sa tanong at diskusyon na kung payag raw bang magkaroon ng subdivision sa cardona..
- sino ang titira sa subdivision?
sagot ni duane - > syempre mga taga ibang bayan, pero pwede ring mga taal na taga cardona, ang isa sa problema natin ay masyado tayong close sa isat isa.. as in literally close.. kahit may asawa na, naka ung ong pa rin sa bahay ng magulang...siguro nga dahil sa pagmamahal sa cardona natin kaya ayaw lumipat ng bahay/bayan... so kung may subdivision sa cardona, roon sila titira, pwede pa rin silang makipag sapaoan.
iyong isyu ng estranghero ay idi-discuss ko ang essence ng positions ko roon susunor na mga talata.
concern ng hindi payag..
- environmental (flooding and landslide)
sagot ni duane - > mareremedyuhan iyan ng proper engineering practice at technology (pera ang kailangan) (kung di nila (developer) kayang ma meet ang environmental, engineerings at safety standards ng mga ganong infrastructure.. wag na silang tumuloy.... sa palagay ko naman ay may competent na engineers sa munisipyo natin (sana, i hope) (kung wala paano na... eh di iyong mga concern citizens na may background sa engineering, i-check nila kung nasa standards ang pagkakagawa ng subdivision)
- Criminality and security
sagot ni duane - > maraming uri ng criminality di naman nasabi kung anong uri ng criminality ang tinutukoy na masasabing sa kadahilanan ng pagkakaroon ng estranghero dahil sa matatayong subdivision.
merong rape, patayan, petty crimes like snatching, away na sigawan at payabangan, nakawan..
there are certain level of criminality ba na di kayang gawain ng mga taal na taga atin? believe me may magnanakaw na taga cardona, may kayang manaksak na taal na taga cardona.
Subscribe to:
Posts (Atom)