Sunday 18 April 2010

ALANGANIN

by Duane San Jose Staana on Sunday, 18 April 2010 at 23:34
inspired and influenced by eheads' hey jay and badap song of gary granada (nagagalingan ako sa kanilang magsulat.. along with isa pang idol sa pagsulat si joey de leon).. they have things in common, one of which is(?) they have worked on something that is related to being gay or homosexual(ity). hence, I therefore conclude na pag may gawa rin akong artwork tungkol sa subject at bar... magaling na rin ako.. simpleng logic di ba??? hahahahahaha..

nahirapan ako sa kung saang perspective ko kukunin kung sa hey jay ba (third person) o sa badap song (first person)...pero honestly ang unang gawa ay sa first person-ala badap song ni gary granada.. baka laang ma isyu akong baklita.. anuvah...... kaya ginawa ko na lang pareho... ahihihihihi..

======================

ano ba itong aking nararamdaman
noon pa man di na maintindihan
iba ang pintig ng aking katauhan
hindi akma sa aking katawan

ang hirap gawan ng paraan
itago ang aking kabuuan
pilit ko tong nilabanan
para sa kanilang kasiyahan

kahit halata di nila tanggap
na akoy isang badap
sa puso anong hirap
itong aking pagpapanggap

ginagawa pang katawa tawa
itong aking nadarama
bat di na lang tanggapin
na talagang akoy alanganin

di man lang ma appreciate
kontribusyon ko lagi nilang hate
it always makes my heart ache
komo siguro tingin nila ay fake

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

ano ba yang iyong nararamdaman
noon pa man di na maintindihan
iba ang pintig ng yong katauhan
hindi akma sa yong katawan

ang hirap gawan ng paraan
itago ang yong kabuuan
pilit mo tong nilabanan
para sa kanilang kasiyahan

kahit halata di nila tanggap
na ikay isang badap
sa puso anong hirap
yang yong pagpapanggap

ginagawa pang katawa tawa
ang iyong nadarama
bat di na lang tanggapin
na talagang ikay alanganin

di man lang ma appreciate
kontribusyon nyo lagi na lang hate
it always makes your heart ache
komo siguro tingin nila ay fake

No comments:

Post a Comment