Saturday 24 April 2010

KATOTOHANAN

Katotohanan nga ba ang kailangan?
Upang makamit ang kaginhawahan
Dapat ba tayong magbulag bulagan
Para lang sa sinasabing katotohanan

Maraming tanong sa akin isipan
Na di kayang sagutin ng katotohanan
Lahat umaasa sa isang paraiso
Pero ginagalawan natiy mundo ng tao

Hindi parehas ang labanan rito
Ang katotohanang sinasabi mo
Niyuyurakan lang sa semento
Minsan namay ginagawang abono

Hindi lahat ng totoo ay tama
Kailangan rin ang mali para itoy tumugma
Maging mapanuri sa mga salita
Pati na rin sa kilos at mga gawa

Katotohanan raw ang magpapalaya
Sa isang damdaming nagmamakaawa
dapat nga bang tayoy maniwala
Bigkis ng hinagpis dagling mawawala

Paano kung ang katotohan ang siya palang hadlang
kahit puno pa ang suporta ng mga magulang
paralumang minimithi, matagal ng nakatali
paano na ang pusong umiibig ng sidhi

dsa:dsa
my work, my like, my life..

No comments:

Post a Comment