Wednesday 2 July 2008

BAD TRIP

akoy inaagkap na naman,
hindi naman ako pitong buwan
may kung ano laang na rumaan,
biglang nagkaroon ng u-ang

di ko tuloy maiwasan isipin kung itoy normal
o kailangan ko na nga yatang ipasok sa mental
self medication na naman katapat nito
kunin ko lang camera ko at shoot ng litrato

masasamang isip dedma lang sa akin
may misyon akong dapat tupdin
kahit itoy malayo pa mandin
basta akoy sumubok kamtin

diskarte koy sanay subukin
itoy base sa nakaraang angkin
gawa na lang ako ng sarili kong doktrina
umaasang itoy sagot sa nauna ng problema

aking inalala martial law ni macoy
walang patumanggang desisyon
ang magdadala sa atin sa kumunoy
at siyang sisira sa ating misyon

francis dionisio
alkhobar saudi arabia
july 2, 2008 quarter to twelve noon

No comments:

Post a Comment