Tuesday 1 July 2008

I am a Model



Halikayot makinig dahil akoy may kwento
Isang bagong karanasan aking naengkwentro
Huling araw ng hunyo ngayong taong ito
Ang isang potograpo ay naging modelo

June thirty two ow ow eight
I took the burden and the weight
Of not having camera I was put into bait
That I have a good model trait

Nagsimula ang kaganapan sa simpleng yayaan
Naging biruan na itoy aking kaarawan
Itoy aking pinangatawanan akoy nag dala ng hapunan
Me cake at softdrink biglaan ring nalaan

Straight from my seven to five job
I brave the traffic and the mob
Met the guys though Im late
Maybe its just a twist of fate

Pagkatapos ng kainan, aming sinimulan
Potograpo ngay kanilang kinunan ng larawan
Maraming ilaw nakatutok sa aking katawan
Ibang ibang emosyon aking pinawalan

Bagong karanasan, nakakatuwang isipin
Pagiging modeloy di pala madaling gawin
Pagpipigil at Emosyon kailangan pang halukayin
Upang mailabas ng potograpo ang nais nilang iparating


July 1, 2008
Al Khobar Saudi Arabia
image credits to mr. romy alcoriza

No comments:

Post a Comment