Saturday 7 March 2009

Love Story take 1

Blast from the Past. a poem about love

still an old one.. wala pa talaga ako sa mood magsulat.. :(
pero nakapag sulat na rin naman pala ako ng tungkol sa pag ibig. :D

this is actually a series of Quatrain (?), na sinusulat ko as a testimonial for my wife...ibat ibang araw ko to sinulat.. isang quatrain (stanza) isang araw then matitigil for a week or so. minsan naman in a span of hours, 2 stanzas masusulat ko....

balak ko sa sanang isulat ang love story namin......well actually this is the first part mula pagkikita hanggang pagsagot. :D

============
lampas isang dekada na
mula ng siyay unang makita
sa isang subject ng siyensya
nagsusulat sya sa pisara

pinag masdan ko siya at kinilala
akoy namangha sa sulat nyang kayganda
isama pa ang aura nyang kakaiba
akoy biglang umasa na muli syang makita

mas ginusto ko pang pumasok ng maaga
para pagtaas ng bandila, di na ako pupunta
laging hiling muli kang makita
pagsulatin sa pisara ni mrs. Benda?a

agad akong kumilos, dagliang nagsaliksik
sikretong nagtanong,kung sino tong pumitik
sa pihikang puso ko, na bihirang pumisik

melody pala ang pangalan mo
ng malaman ko ito ay anong saya ko
sapat ng tumitig sa mukha mo
sapagkat di nila alam, napakatorpe ko

Di maintindihan kung anong tumama sa akin
Di ko rin malaman kung anong dapat gawin
Dapat bang ilabas ang tagong damdamin?
O piliting itago at wagas na kimkimin

pigil na damadamin di nakayang piitin
tropa ay niyakag upang siyay kilalanin
practice sa unit meet una ko siyang hinarap
at kiming nagsabi ng pagsintang ganap

tanda ko pang sukat, araw ng barn dance naganap
singkit kong mata sa kanyay humarap-sabay sa bewang nyay gagap
sa saliw ng tugtog dagling kinausap, sa damdamin anong sarap

matapos ang kasayahan, diretso uwian
siyay hinatid ko hanggang tarangkahan
duoy muling nagtanong at agad napasinghap
dahil sinabi nyang di nya na kaya pang magpanggap!

No comments:

Post a Comment