Tuesday 17 June 2008

avayatanorawba?

sa kung anong kadahilanan akoy biglang nalumbay
isip kong buhay ay tila humimlay
tuwat pagkagalak parang kinahon ng bantay
pilitin mang intindihin di ko malaman ang pakay

marami pang konsolasyon dapat isipin
malayo pa naman, kaya pang gawin
tuwat kagalakan akin muling bawiin
kasayahan at serbiyong asam aking kakamtin

wika ni miranda,Shift sa segunda bago mapatumba
aking ngang isipin ang kanyang litanya
kailangan kong umisip ng alternatibong maganda
para muling bumalik ang paraisong akda

ang kalaban ko ngayon ay ang panahon
subalit pilit kong labanan itong malaking alon
isipin ko na lang na itoy malaking hamon
na masarap kainin tuwing dapit hapon

Francis Dionisio
alkhobarksa
june172008

No comments:

Post a Comment