Thursday 26 March 2009

Tara Na!

by Duane San Jose Staana on Thursday, 26 March 2009 at 00:31

In one forum that I visit frequently, they have a thread there where poetry has its own space, and some active posters on that poetry thread agreed to have a weekly contest.. Though I am not an active poster/contributor on that forum... I decided to write something about their theme... It has specific instructions on how to compose the piece as follows:

Theme is about "batang kalye"
Detail about the theme - bigyan ng bagong pag asa ang mga batang nagkalat sa kalye
Should be in tagalog (thats why i was able and keen to write/participate)
Maximum 200 words

Now, I present to you my piece.

===============
Hoy bata! Anong ginagawa mo?
Bakit ka nariyan sa mainit na semento?
Pag taglamig naman anong ginaw nito
Dali bumangon ka para sa kinabukasan mo

Ano bang nangyari at kalsada naging bahay mo?
Kung ano mang naganap. Isa-isang tabi mo na ‘to
Una mong kakampi ang yong sarili
Bumangon ka na, nasa likod mo naman kami

Narito ako, kasama mo,
Ating iiwan impyernong buhay mo
Babangon tayo tungong paraiso
Pagkaing masagana salo salo tayo

Ano? Halika na, wag ng patumpik tumpik pa.
Bagamat ayos yan, dahil isip mo ay gumagana
Dali kilos na! Lakbayin natin ay malayo pa,
Dahil angking talino mo ay kailangan na.

Aba! Tayo na, nag hihintay na sila
Pagdating at pagsama mo ay pinananabikan na
Banda ng musiko amin pang inarkila
Engrandeng pagsalubong ay handang handa na

Ayan! ang galing nakatayo ka na
Bilis at ihakbang mo na ang iyong mga paa
Sa kamay ko ay kumapit ka, tuloy magabayan ka
Upang kapalaran mo ay tunay na mag iba

Hay salamat, nandito ka na
Damdamin namin ay anong saya
Isang malaking tinik ang nabunot di ba?
Dahil sa kalsada ay wala ka na
At kasali sa lipunang puno ng pag asa

No comments:

Post a Comment