naglilimbag, nagkakatha,
habang kaharap ko itong makina
inspirasyon talaga itong paglalabada
na sa misis ko ay akin ng namana
may gusto akong sabihin, pero di ko maibitaw
humihina na ata kukote ko at paggalaw
pakisamahan, tila lumalabnaw
pagkakaisa sa diwa wari koy pumapanaw
labada raw kasi, wika ni esmi
kusutin, kuskusin, wala ng dumi
kung gusto ko pa raw maging ubod ng puti
ibilad sa araw, ng mga ilang sandali
sadya naman talaga
pag iisip ay ibat iba
tama sa inyo, sa amin mali ito
talaga laang ibat iba tayo ng angking prinsipyo
nakakatuwa kasi ang maglaba
kahit madumi na, dagling lilinis pa
tampok, banlaw at saka kula
isampay na sa araw habang mainit pa
ano bang magandang gawain
balewalain kaya ang isipin
o lumayo na lang at lisanin
pero sayang naman, napundar na pa mandin
pagkatapos maglaba,
at sampay ay tuyo na
kailangan naman nating itoy plantsahin pa
dahil pag gusot ay wala na sa tingin anong ganra
pero pag gusot ay manhid, gamitan ng dahon ng saba
baka sakaling gusot ay tuluyang maplantsa na.
francis dionisio
aug.16, 09 10:42PM
al khobar ksa
Ang Hilong Talilong ay madalas kong marinig sa mga matatanra sa aming bayan pag may isang tao na sa sobrang kagustuhang magawa ang mga dapat gawin eh nagmamadali at di malaman ang kung alin ang uunahin.napili ko itong pamagat ng aking blog dahil palagay ko ay akoy isang hilong talilong
Sunday, 16 August 2009
Sunday, 9 August 2009
TA-ARTITS NG BANSANG PILIPINAS
My take on the national artist SNAFU
Bakit naman ganto? Tanong ko sa sarili ko
Pagiging artista nagkakagulo pa tayo
Oo nga , me kanya kanya tayong punto
Ito naman ang akin, samo koy pakinggan nyo.
Kunsabagay, mabigat nga naman
Pagiging national artist ang pinaglalabanan
Sukdol langit, bida ang pangalan
Pag naibigay sa yo naturang karangalan
Kaya naman kandarapa ang ilan
Kahit mukha nila ay kapalan
May benefits kasing nakalaan
Mula sa kaban ng bayan
Ay kumbakit nga naman kasi
May proseso namang sinasabi
Pilit pa ring isinasaisantabi
Para laang silay isali
Ay bakit nga ba talaga?
Ano bang panuntunan nila?
National Artist Awards bay lokohan na?
Paramihan na lang ba ito ng kita? at palapitan ng koneksyon baga?
O bayan ko, ano na?
Pag asa bay talagang wala na?
Arteng libangan ko,
pinaglalaruan na rin pala nang mga ganid na pulitiko
pero teka, pulitika ba talaga
baka naman qualified sila
tingnan nga natin kapasidad nila
o sige, simulan ang pagbasa.
Basta masasabi ko, nakakatawang nakasusuka
Esensya ng arte ay nawawala na
Balewala na rin ang delikadesa
Basta mahirang na pambansang artista
-DSA-
aug92009
alkhobar
Bakit naman ganto? Tanong ko sa sarili ko
Pagiging artista nagkakagulo pa tayo
Oo nga , me kanya kanya tayong punto
Ito naman ang akin, samo koy pakinggan nyo.
Kunsabagay, mabigat nga naman
Pagiging national artist ang pinaglalabanan
Sukdol langit, bida ang pangalan
Pag naibigay sa yo naturang karangalan
Kaya naman kandarapa ang ilan
Kahit mukha nila ay kapalan
May benefits kasing nakalaan
Mula sa kaban ng bayan
Ay kumbakit nga naman kasi
May proseso namang sinasabi
Pilit pa ring isinasaisantabi
Para laang silay isali
Ay bakit nga ba talaga?
Ano bang panuntunan nila?
National Artist Awards bay lokohan na?
Paramihan na lang ba ito ng kita? at palapitan ng koneksyon baga?
O bayan ko, ano na?
Pag asa bay talagang wala na?
Arteng libangan ko,
pinaglalaruan na rin pala nang mga ganid na pulitiko
pero teka, pulitika ba talaga
baka naman qualified sila
tingnan nga natin kapasidad nila
o sige, simulan ang pagbasa.
Basta masasabi ko, nakakatawang nakasusuka
Esensya ng arte ay nawawala na
Balewala na rin ang delikadesa
Basta mahirang na pambansang artista
-DSA-
aug92009
alkhobar
Saturday, 25 July 2009
pananaw! AW! AW! AW!
read in one of the comment in FB a sentence with luminaw ang pananaw.... and i feel the urge to play with words stitch to make a rhyme and here it goes..
its just rhyming, and i did it as a joke.. wrote it in about three minute max... didnt even bother to think if it has thought.. .. i might write a full blown poem with pananaw as the subject or focal point.. (sanay lumipas na ang kakutaran ko)
===========
ang paglinaw ng pananaw
ay parang isang bulalakaw
itoy bigla lumilitaw
at dagling pumupukaw
sa ating balintataw
ang pananaw! bow!
hahahahahahaha... yes! yes! aw!!! (sex bomb)
its just rhyming, and i did it as a joke.. wrote it in about three minute max... didnt even bother to think if it has thought.. .. i might write a full blown poem with pananaw as the subject or focal point.. (sanay lumipas na ang kakutaran ko)
===========
ang paglinaw ng pananaw
ay parang isang bulalakaw
itoy bigla lumilitaw
at dagling pumupukaw
sa ating balintataw
ang pananaw! bow!
hahahahahahaha... yes! yes! aw!!! (sex bomb)
Friday, 22 May 2009
ABAY YES! (love song version)
Abay Yes is a song by local group sabukot bakulaw.. mga kabarkada ko ang mga myembro nila.. maganda yung song, OK nag beat, OK ang rhythm... danceable ang beat niya.. at tungkol sa barkadahan... na isip ko lang nag magpalit ng lyrics at gawing tungkol sa pag ibig...
kung love song. dapat acoustic na plucking...
Stanza 1
Natatandaan ko pa
Nung Tayo ay Huli ng magkita
Ipinangako sa isat-isa
Pagmamahalang hindi maluluma
At Ngayong Nandito Na
Hindi Ka na Muling Mag-iisa
Refrain 1
At Kung Ako’y Hahanapin
Nandito Lang At Handang Samahan Ka
At Kung Ako Ay Tatanungin
Ay Lagi Nang Sasabihin Sa Yo….
Chorus1
Aba’y Yes! Sasamahan Kita
Hindi Ka na Mag-iisa
Kapit Mo Lang Ay Higpitan
Hindi Ka na Iiwan Pa
Stanza 2
Kahit pa nagkaron ng iba
Pag Ibig ko’y iyong iyo pa
Walang nagbago simula una
Hanggang ngayon ikaw pa rin sinta
Refrain 1
At Kung Ako Ay Tatanungin
Ay Lagi Nang Sasabihin Sa Yo….
Chorus2
Aba’y Yes! Hindi Kita Iiwan
Saan Man Ang Patutunguhan
Kapit Mo Lang Ay Higpitan
Hindi Ka Na Iiwan Pa.
Adlib (instrumental)
Stanza3 (bridge)
Mulit muli aking babanggitin
Pag ibig koy iyong iyo pa rin
Kahit ano pang aking gawin
Di ka mawala sa aking isipin
Repeat Refrain and Chorus1 Till Fade
kung love song. dapat acoustic na plucking...
Stanza 1
Natatandaan ko pa
Nung Tayo ay Huli ng magkita
Ipinangako sa isat-isa
Pagmamahalang hindi maluluma
At Ngayong Nandito Na
Hindi Ka na Muling Mag-iisa
Refrain 1
At Kung Ako’y Hahanapin
Nandito Lang At Handang Samahan Ka
At Kung Ako Ay Tatanungin
Ay Lagi Nang Sasabihin Sa Yo….
Chorus1
Aba’y Yes! Sasamahan Kita
Hindi Ka na Mag-iisa
Kapit Mo Lang Ay Higpitan
Hindi Ka na Iiwan Pa
Stanza 2
Kahit pa nagkaron ng iba
Pag Ibig ko’y iyong iyo pa
Walang nagbago simula una
Hanggang ngayon ikaw pa rin sinta
Refrain 1
At Kung Ako Ay Tatanungin
Ay Lagi Nang Sasabihin Sa Yo….
Chorus2
Aba’y Yes! Hindi Kita Iiwan
Saan Man Ang Patutunguhan
Kapit Mo Lang Ay Higpitan
Hindi Ka Na Iiwan Pa.
Adlib (instrumental)
Stanza3 (bridge)
Mulit muli aking babanggitin
Pag ibig koy iyong iyo pa rin
Kahit ano pang aking gawin
Di ka mawala sa aking isipin
Repeat Refrain and Chorus1 Till Fade
Mother - My first poem (yata) for 2009…
Ang hirap mag press release at mangako…. Nag iinarte ang utak ko eh.. ayaw gumana pag susulat at pag su shoot……maige na laang at kahit papaano ay nakagawa ako…salamat ron sa mga mga bumabasa ng likha ko at "nangungulit" na mag sulat uli ako
…buti umabot pa yata sa mothers day 2009
=====================================
Mudra, mother bear, ina, mama, mommy, inang
Pahinging pamagat.. (wala akong maisip ng taytol)
Natatanging nilalang itong mga ina
Gagawin ang lahat para sa anak niya
Kahit anong kalokohan pa ang gawin nila
Titiisin lang kahit kaloobay nagdurusa
Silang mga nanay, bayaning tunay
Sa kadahilanang sila ang ating gabay
Pag abot sa panagarap sila ang tulay
Marapat na mahalin ng walang humpay
Balewala na kanyang giliw na asawa
Basta’t anak nya ang maging maligaya
Ibigay ang di kaya o kayay baliin ang panata,
Wag lang mabigo, pinakamamahal nyang bata
Awitin nilang giliw,Sarap alalahanin
Pag narinig ito, lutang ka na sa hangin
Kahit sintunado, mata mo’y pipikit na rin
Yan ang angkin at misteryong galing
Mahirap pala ang maging isang ina
Itoy narinig ko ng sinabi ng mahal kong asawa
Kaya naman kay mama, Hingi ko ay pasensya.
Taos pusong pagmamahal nais kong baunin nya
Francis dionisio
Al Khobar Saudi Arabia
March 22, 2009.
…buti umabot pa yata sa mothers day 2009
=====================================
Mudra, mother bear, ina, mama, mommy, inang
Pahinging pamagat.. (wala akong maisip ng taytol)
Natatanging nilalang itong mga ina
Gagawin ang lahat para sa anak niya
Kahit anong kalokohan pa ang gawin nila
Titiisin lang kahit kaloobay nagdurusa
Silang mga nanay, bayaning tunay
Sa kadahilanang sila ang ating gabay
Pag abot sa panagarap sila ang tulay
Marapat na mahalin ng walang humpay
Balewala na kanyang giliw na asawa
Basta’t anak nya ang maging maligaya
Ibigay ang di kaya o kayay baliin ang panata,
Wag lang mabigo, pinakamamahal nyang bata
Awitin nilang giliw,Sarap alalahanin
Pag narinig ito, lutang ka na sa hangin
Kahit sintunado, mata mo’y pipikit na rin
Yan ang angkin at misteryong galing
Mahirap pala ang maging isang ina
Itoy narinig ko ng sinabi ng mahal kong asawa
Kaya naman kay mama, Hingi ko ay pasensya.
Taos pusong pagmamahal nais kong baunin nya
Francis dionisio
Al Khobar Saudi Arabia
March 22, 2009.
Subscribe to:
Posts (Atom)