Sunday 16 August 2009

LABADA AT BARKADA

naglilimbag, nagkakatha,
habang kaharap ko itong makina
inspirasyon talaga itong paglalabada
na sa misis ko ay akin ng namana

may gusto akong sabihin, pero di ko maibitaw
humihina na ata kukote ko at paggalaw
pakisamahan, tila lumalabnaw
pagkakaisa sa diwa wari koy pumapanaw

labada raw kasi, wika ni esmi
kusutin, kuskusin, wala ng dumi
kung gusto ko pa raw maging ubod ng puti
ibilad sa araw, ng mga ilang sandali

sadya naman talaga
pag iisip ay ibat iba
tama sa inyo, sa amin mali ito
talaga laang ibat iba tayo ng angking prinsipyo

nakakatuwa kasi ang maglaba
kahit madumi na, dagling lilinis pa
tampok, banlaw at saka kula
isampay na sa araw habang mainit pa

ano bang magandang gawain
balewalain kaya ang isipin
o lumayo na lang at lisanin
pero sayang naman, napundar na pa mandin

pagkatapos maglaba,
at sampay ay tuyo na
kailangan naman nating itoy plantsahin pa

dahil pag gusot ay wala na sa tingin anong ganra
pero pag gusot ay manhid, gamitan ng dahon ng saba
baka sakaling gusot ay tuluyang maplantsa na.

francis dionisio
aug.16, 09 10:42PM
al khobar ksa

No comments:

Post a Comment