Sunday 9 August 2009

TA-ARTITS NG BANSANG PILIPINAS

My take on the national artist SNAFU

Bakit naman ganto? Tanong ko sa sarili ko
Pagiging artista nagkakagulo pa tayo
Oo nga , me kanya kanya tayong punto
Ito naman ang akin, samo koy pakinggan nyo.

Kunsabagay, mabigat nga naman
Pagiging national artist ang pinaglalabanan
Sukdol langit, bida ang pangalan
Pag naibigay sa yo naturang karangalan

Kaya naman kandarapa ang ilan
Kahit mukha nila ay kapalan
May benefits kasing nakalaan
Mula sa kaban ng bayan

Ay kumbakit nga naman kasi
May proseso namang sinasabi
Pilit pa ring isinasaisantabi
Para laang silay isali

Ay bakit nga ba talaga?
Ano bang panuntunan nila?
National Artist Awards bay lokohan na?
Paramihan na lang ba ito ng kita? at palapitan ng koneksyon baga?

O bayan ko, ano na?
Pag asa bay talagang wala na?
Arteng libangan ko,
pinaglalaruan na rin pala nang mga ganid na pulitiko

pero teka, pulitika ba talaga
baka naman qualified sila
tingnan nga natin kapasidad nila
o sige, simulan ang pagbasa.

Basta masasabi ko, nakakatawang nakasusuka
Esensya ng arte ay nawawala na
Balewala na rin ang delikadesa
Basta mahirang na pambansang artista

-DSA-
aug92009
alkhobar

No comments:

Post a Comment