Sunday, 6 June 2010

Haiku - June 6, 2010

trip ko haiku...

Haiku... short for Haynaku!. ;-) . . . ay isang form of art via poetry na naglalaman laang ng three sentences na hindi mag kaka tugma... ang unang banat ng pangungusap ay dapat limang syllables laang, ang pangalawang pangugusap ay pito ang pangatlo ay lima uli...

medyo magulo ang haiku, di ko pa gaanong mag dig. pero nag enjoy ako sa mga sinulat kong Haiku.. sana ay hindi kayo mapa Haynaku!..

Haiku originated from Japan... pero kilala at pinapractice na rin ito sa US at sa iba pang english speaking countries. at kababasa ko laang.. pati raw sa europe nag hahaiku rin sila..

---------------------------------------
climate so serene
dark cloud hovers tranquility
need wind to blow away
---------------------------------------
blue sky great to see
summer heat getting into thee
winter need come early
---------------------------------------
spring is on its way
dont let autumn break the day
thou have come so far
---------------------------------------
candle lit the dark
sudden fear and what have might
guide sight mind feel
---------------------------------------
encountered many species
swimming in the sea
never want to catch any
---------------------------------------

weweng-san
alkhobar saudiarabia in tokyo
june 6 2010

Saturday, 15 May 2010

MAHINHING PAGKILOS

This is about a post in facebook calling for our townfolks to choose wisely and be observant to whom they are going to vote in May 2010 Local Gov't. election

isang malayang pagsulat mula sa kaibigan
aking nabasa at natamurawan
suriing mabuti kanyang panawagan
pagpili sa lider ng pamahalaan

di naman akoy may sa demonyo
di rin naman matatawag na santo
pero kahit sinong iluklok sa wari ko
kakainin ng bulok na sistema ng gobyerno

sanay mali ang paniniwala ko
wala sa lider ang pangakong paraiso
itoy nasa tao, kung sila ay totoo
mula sa baba, sama sama tayo
di na kailangan pang itoy nakapwesto

pero huo na nga, kailangan rin ng gabay
kahit sa biblia itoy nakasulat na mahusay
magaling na hari ang siyang patnubay
sa isang kahariang punong puno ng kulay/buhay

sige sama na ako sa panawagan mo
pero tahimik lang, sarado bibig ko
ipakita ko na lang magagandang ehemplo
kung paano tumulong umunlar ang bayan ko.

dweighn
april 15, 2010
room YXY khobar tower

Tuesday, 11 May 2010

BABAE

Pang Womans Day-2010

better late than never.. but fact remains it is still late... hindi na March 8 kahit saang panig ng mundo.. maski DST, GMT, o kung ano mang timing scheme ekvalu ever na inimbento ng matatalinong tao..

====================
Sa bawat tagumpay ng aming buhay
Sila ang tunay naming patnubay
Sa aming likod silay nakabantay
Sa dilim ng buhay handa silang dumamay

Anumang hirap na aming dinaranas
Sila ang laging may angking lunas
Kahit ano pang sikip nitong landas
Kaya-kaya nilang hanapan ng butas

Sila rin namay may sariling persona
Na dapat mahalin sa tuwi tuwina
Kakaibang lakas at angking ganda
Talino ng isip isasama ko na

Babae! anak, nanay, at lola
Kasama na rito ating mga tita
Napaka importante ng ganap nila
Ginhawa at buhay magtuloy tuloy pa

DSS o DJA (para kasing may mali sa DSA na nakasanayan ko ng gamiting initials)

Thursday, 6 May 2010

Walang Pilitan

Magla-Like ako sa gusto kong i-Like. Wag kang mamilit
Sa lahat ng ayaw ko ay yung dinitiktahan ng pangit
kung okey sana di na mag lilipat saglit
like button i-kiclick agad isang haplit

kakabanas kasi tong mga taong to
maganda sa yo, basura sa tingin ko
kaya wag mo ng ipilit yang gusto mo
dahil ibat iba tayo ng trip pare ko

Walang pilitan, walang gamitan
isip ay gamitin, lohika ay sundin
hindi ko kayang intindihin
yang pamimilit mong gawain

pwede kang tindero riyan sa gawi mo
lahat pinipilit para bumili ng produkto
kawawa ka at tunay na adelantado
pinapangunahan mo pa ang desisyon ko

kabadtrip naman talaga oo
baguhin mo nga yang style mo
kung ayaw mong mabura sa listahan ko
di mo na makikita ang profile at update ko.


Francis Dionisio
AKKSA 1045AM March 6, 2010
*wala itong kaugnayan sa mga friends ko rito sa FB, itoy sinulat ko laang dahil nainspire ako sa status ni dong abay kanina. sa kanya actually galing ang unang linya rito sa sinulat ko. pero in some ways ay ganito rin ang pananaw ko..

Saturday, 24 April 2010

KATOTOHANAN

Katotohanan nga ba ang kailangan?
Upang makamit ang kaginhawahan
Dapat ba tayong magbulag bulagan
Para lang sa sinasabing katotohanan

Maraming tanong sa akin isipan
Na di kayang sagutin ng katotohanan
Lahat umaasa sa isang paraiso
Pero ginagalawan natiy mundo ng tao

Hindi parehas ang labanan rito
Ang katotohanang sinasabi mo
Niyuyurakan lang sa semento
Minsan namay ginagawang abono

Hindi lahat ng totoo ay tama
Kailangan rin ang mali para itoy tumugma
Maging mapanuri sa mga salita
Pati na rin sa kilos at mga gawa

Katotohanan raw ang magpapalaya
Sa isang damdaming nagmamakaawa
dapat nga bang tayoy maniwala
Bigkis ng hinagpis dagling mawawala

Paano kung ang katotohan ang siya palang hadlang
kahit puno pa ang suporta ng mga magulang
paralumang minimithi, matagal ng nakatali
paano na ang pusong umiibig ng sidhi

dsa:dsa
my work, my like, my life..