Sunday 15 June 2008

Pagbati sa Haligi

Daddy's Day 2008


Di ako mahilig sa mga pagbati
Subalit kung di ko to gagawin, parang may mali
Ama, papa, amang o daddy
Kahit ano pang itawag siya ang ating haligi

Maligayang araw ng mga ama
Bati ko mga kasama
Masisipag mababait at mga matulungin pa
To’y natatanging katangiang ng huwarang papa

Araw pala natin ngayon, mga ka daddy
Abay tayo ng magsaya at maghappy happy
Relax, tingin sa paligid paalam muna ke mommy
Pero siguraduhin lang ang bahay ay wala ng dumi

Al Khobar Saudi Arabia
June 15, 2008

No comments:

Post a Comment