Tuesday 17 June 2008

Independence day rant!

this post is still on the patriotism, nationalism, liberation, democracy, and what have you regarding the situation of our God forsaken country.

Araw ng kalayaan ating ipinagdiwang
Matay ko ng isipin, akoy laging nawiwindang
Sa anong aspeto ng kalayaan tayo ay makinang?
Hanggang ngayon naman parapareho tayong timang

Aanhin ang kalayaan kung tayoy walang puwang
Walang Pag ibig sa bayan sarili lang tinitingnan
Bahala ka sa buhay mo, yan pa ang sabi mo
Buhay ko ito, akong bahala rito.

Tangnang buhay to, Malaya nga tayo
Puro kurap naman, karamihan sa gobyerno
Gustuhin ko mang sapakin, malamang rehas ang himas ko
Parang trip ko ng sumama sa isang imperyo

Teka lang sandal iidlip lang dahil tanghali
Naway paggising koy maging tama na itong mali
Subalit kahit sa panaginip nakikita koy pangit
O Diyos ko, Ipamulat nyo na ang Langit

Totoo bang talaga na tayoy Malaya na?
Hindi kaya itoy ilusyon lang ng ating mga mata
Gumamit ka kaya ng isang antipara
Wika koy makiramdam na lang mas maigi pa

Francis Dionisio
alkhobarksa
june172008
this poems was created last year when "they" are celebrating "Independence Day"

No comments:

Post a Comment