Tuesday 3 June 2008

Boloy Big Brother's Room

Pagkakaibigang walang katulad
dito natutupad
Pag sa Al Khobar ikay naglakad
Lalot tiga Rizal dito ka ipapadpad

Kasayahang wala haplit
Dinaraos naming pilit
kanya kanyang diskarte aming gamit
upang huwebes at byernes dito na kami mapiit

kutakutakot na kalokohan inyong mamamasdan
bastat wag kang kukurap at magbibingibingihan
Makikita rito maraming kaganapan
Minsan drama pero kadalasay kasayahan

maraming catchline lumalabas rito
"kaya mo pa ba?" madalas marinig ito
kung sino mang nag sabi, dali na! hulaan nyo

Plastikan walang puwang sa amin
Pag pumasok ito buntal aabutin
Walang kwentang intriga, di namin pansin
lalo pat itoy tangay lang ng hangin

Di naman masabi grupong itoy perpekto
pero kwartong itoy para sa amin ay paraiso
Pagkakaiba ng personalidad ditoy aming tanto
dahil lahat kami rito ay pawang pasensyoso

maraming umalis marami ng dumating
aming pagsasamahan buong buo pa rin
Di man madalas makasama silay narito pa rin
kasangga lagi sa tagay na inumin

Yaring mga titik nilimbag bilang pugay
sa bahay at samahang nagbigay ng buhay
sa aming hungkag na ligayang ritoy kaagapay
dalangin namin saya sana ay walang humpay

Masyado ng humaba itong tula
aking inaasahang itoy bibigyang pula
subalit sa amin itoy balewala
taos pusong pasasalamat mula sa may akda.
==================
ang panget.. raw na raw.... di kasi mula sa puso eh.. hek hek hek..

No comments:

Post a Comment