Sunday 30 August 2009

ALIPIN

Di ko naman talaga gawi
Gumasta ng dali dali
Kati ay kaya kong tiisin
Managinip lamang ng gising

Subalit naganap na
Unang kaskas, sa akiy nalista
Gitarang si Cobra
Siya ang dumonselya

Ayokong maging alipin
Subalit sinimulan ko ng gamitin
Perang plastic kung tawagin
Kailangan ko itong kontrolin

Andami ng nabaon
Sa perang plastic na iyon
Para itong kumunoy
Pag lumubog tuloy tuloy

Hanggat maaga pa
Mindset isaayos na
Bayaran na ang kaya
Minimum itsapwera ka!

Francis dionisio
Aug 30, 2009 930PM
Image credit to richard mukamo "Freedom"

No comments:

Post a Comment