Sunday 30 August 2009

GITARA

I just bought a Guitar!!!

Kanina pang salah
Akoy naka abang na
Sa tindahan ng gitara,
Papetiks petiks pa

Tatlumpong minutong nakatanga
Sa bintana ng tindahang adawliyah
Iniisip kung itutuloy na
Pagbili ng una kong gitara

Ako ngayoy atubili
Sa gitarang aking napili
Pang beginner lang naman
Yamaha kong tangan

Bukas na lang bonding namin
Kailangan ko pa kasing isaisahin
Mga awiting alam ko ng tugtugin
At mga kailangang kapain

Ay bakit nga ba, gitaray biglang nasinta
Tumamlay sa potograpiya, nag-abala sa musika
Gusto ko kasing gumawa ng kanta
Hayung tatatak sa isipan nila

Ayos to mga pare ko
Poetry, music and photography
Pagsasamasamahin ko
Ibat ibang sining aking karambolahin

Mula ngayon, si Cobra ang bida
Laging hahaplusin sa tuwituwina
Kailangang dagdagan aking kaalaman
Para di lang jetplane ang pangmalakasan

Francis dionisio
Aug 30, 2009
930PM
Alkhobar Saudi Arabia

No comments:

Post a Comment