Tuesday, 24 March 2009

Mga Nanay - lighter side

heavy drama iyong isa kong tula tungkol sa mga nanay eh.. kaya naggawa ako ng medyo kwela at light sa buhay ng mga nanay.

======================
Itong si nanay, laging bida sa bahay
Kung anong sabihin di dapat masuway
Alingawngaw ng tenga bibig nyang kay ingay
Kaya naman si tatay sa labas tumatagay

Si nanay ang dapat laging reyna,
Ating siyang alayan lagi ng foot spa
Pati buhok, ating ipa rebond pa
Para kay tatay siyay bonggang bongga

Minsan rin naman si nanay ay inarte
Maraming drama sa buhay siyang sinasabi
Iyon pala namay wala lang pambili
Ng pang make up at iba pang kolorete

Fashionista talaga itong mga ina
Wag pabayaang katawan ay malosyang ha?
Kukoy ipalinis matapos maglaba
At sa tyangge, dali! humukay ng panrampa.

Pag nagkaedad na ay wag mag alala
Bilbil at taba ipag walang bahala
Wag ng pumunta sa Calayan’s klinika
Pagkat sa mata ni papa, kayo namay maasim pa

Ang mga nanay ngayon sa wari koy high tech na.
Pangaral sa anak tine text na lang nila.
Totoong nakaka relate sila sa teknolohiya
Marapat bigyan ng Iphone na maganda

Talent nila marami ng narating
Yung iba dyan ang galing sa blogging
Kaya naman si tatay minsan ander ang dating
Sa husay at galing nitong mga nanay natin.

Bow!
======================

francis dionisio
al khobar ksa
march 24 2009

Saturday, 7 March 2009

ka kiko! happy trip.. mas maganda ang kaleidoscope riyan.

Some say poems and some do sing - - - - - - Francis Magalona


My first non-poem entry in Facebook

sa kung anong kadahilahan, akoy na aatach rito kay francis magalona.. .dahil na rin siguro sa lagi ko ring ginagamit ang pangalang francis... duane francis, francis dionisio at kung ano ano pa.. aside from st. francis na patron saint ng bayan namin sa cardona..

bale bay noon ko pa plano bumili ng mga tshirts niya.. at noong miyerkules laang ay nasa multiply site niya ako... :(

from bagets 2 (gawa ng di naman siya kasali sa bagets 1) ninja kids... hanggang sa mag recording siya, ... mga kababayan..praning, halalalan, kaleidoscope world, collaboration with eheads, at mga iba pang banda... elibs ako sa laman ng utak niya..(para rin kasing me similarities ako sa mga trip niya). a patriot, a poet, photographer, director...

Love Story take 1

Blast from the Past. a poem about love

still an old one.. wala pa talaga ako sa mood magsulat.. :(
pero nakapag sulat na rin naman pala ako ng tungkol sa pag ibig. :D

this is actually a series of Quatrain (?), na sinusulat ko as a testimonial for my wife...ibat ibang araw ko to sinulat.. isang quatrain (stanza) isang araw then matitigil for a week or so. minsan naman in a span of hours, 2 stanzas masusulat ko....

balak ko sa sanang isulat ang love story namin......well actually this is the first part mula pagkikita hanggang pagsagot. :D

============
lampas isang dekada na
mula ng siyay unang makita
sa isang subject ng siyensya
nagsusulat sya sa pisara

pinag masdan ko siya at kinilala
akoy namangha sa sulat nyang kayganda
isama pa ang aura nyang kakaiba
akoy biglang umasa na muli syang makita

mas ginusto ko pang pumasok ng maaga
para pagtaas ng bandila, di na ako pupunta
laging hiling muli kang makita
pagsulatin sa pisara ni mrs. Benda?a

agad akong kumilos, dagliang nagsaliksik
sikretong nagtanong,kung sino tong pumitik
sa pihikang puso ko, na bihirang pumisik

melody pala ang pangalan mo
ng malaman ko ito ay anong saya ko
sapat ng tumitig sa mukha mo
sapagkat di nila alam, napakatorpe ko

Di maintindihan kung anong tumama sa akin
Di ko rin malaman kung anong dapat gawin
Dapat bang ilabas ang tagong damdamin?
O piliting itago at wagas na kimkimin

pigil na damadamin di nakayang piitin
tropa ay niyakag upang siyay kilalanin
practice sa unit meet una ko siyang hinarap
at kiming nagsabi ng pagsintang ganap

tanda ko pang sukat, araw ng barn dance naganap
singkit kong mata sa kanyay humarap-sabay sa bewang nyay gagap
sa saliw ng tugtog dagling kinausap, sa damdamin anong sarap

matapos ang kasayahan, diretso uwian
siyay hinatid ko hanggang tarangkahan
duoy muling nagtanong at agad napasinghap
dahil sinabi nyang di nya na kaya pang magpanggap!

Wednesday, 2 July 2008

BAD TRIP

akoy inaagkap na naman,
hindi naman ako pitong buwan
may kung ano laang na rumaan,
biglang nagkaroon ng u-ang

di ko tuloy maiwasan isipin kung itoy normal
o kailangan ko na nga yatang ipasok sa mental
self medication na naman katapat nito
kunin ko lang camera ko at shoot ng litrato

masasamang isip dedma lang sa akin
may misyon akong dapat tupdin
kahit itoy malayo pa mandin
basta akoy sumubok kamtin

diskarte koy sanay subukin
itoy base sa nakaraang angkin
gawa na lang ako ng sarili kong doktrina
umaasang itoy sagot sa nauna ng problema

aking inalala martial law ni macoy
walang patumanggang desisyon
ang magdadala sa atin sa kumunoy
at siyang sisira sa ating misyon

francis dionisio
alkhobar saudi arabia
july 2, 2008 quarter to twelve noon

Tuesday, 1 July 2008

I am a Model



Halikayot makinig dahil akoy may kwento
Isang bagong karanasan aking naengkwentro
Huling araw ng hunyo ngayong taong ito
Ang isang potograpo ay naging modelo

June thirty two ow ow eight
I took the burden and the weight
Of not having camera I was put into bait
That I have a good model trait

Nagsimula ang kaganapan sa simpleng yayaan
Naging biruan na itoy aking kaarawan
Itoy aking pinangatawanan akoy nag dala ng hapunan
Me cake at softdrink biglaan ring nalaan

Straight from my seven to five job
I brave the traffic and the mob
Met the guys though Im late
Maybe its just a twist of fate

Pagkatapos ng kainan, aming sinimulan
Potograpo ngay kanilang kinunan ng larawan
Maraming ilaw nakatutok sa aking katawan
Ibang ibang emosyon aking pinawalan

Bagong karanasan, nakakatuwang isipin
Pagiging modeloy di pala madaling gawin
Pagpipigil at Emosyon kailangan pang halukayin
Upang mailabas ng potograpo ang nais nilang iparating


July 1, 2008
Al Khobar Saudi Arabia
image credits to mr. romy alcoriza